BAGUIO CITY
Iniulat ng tanggapan ng City Health Services Office na mas dumami ang dumanas ng kaso ng dengue sa taong ito
kaysa sa nakaraang taon na umabot pa sa 646 na porsiyento ang itinaas ng kaso ng dengue sa lunsod. Ito ang naging pahayag ni Kimberly Sibayan medical surveillance officer ng City Epidemiology at ng surveillance unit aniya noong nakaraang taon ng 2024 ay umabot sa 9,688 ang kaso ng dengue samantalang noong nakaraang 2023 ay umabot lamang ng 1,299.
Halos may 19 na namatay dahil sa dengue noong 2024 at may 533 na porsiyento ng pagtaas samantalang noong previous na taon ay umabot lamang sa tatlo katao ang namatay. Ang mga naging biktima ng kaso ng dengue ay nasa edad na 1 taon hanggang 97 taong gulang na may median na 23 taong gulang. Sa mga namatay na biktima ay 11 ang lalaki at walo ang babae. Naiulat din na ang pinaka marami ang kaso sa mga barangay ay ang Irisan, Bakakeng Central, Asin Road, Pacdal, Camp 7, Bakakeng Norte/Sur, Sto. Tomas Proper, Loakan Proper, San Luis village at Gibraltar.
Ayon sa mga health experts ang kaso ng dengue ay masasabing “year-around illness” na at kailangan na mag-ingat ang mga mamamayan at kailangan na panatilihin na malinis at tuyo ang kapaligiran upang hindi pamahayan ng lamok na nagdadala ng dengue virus Ayon kay Sibayan ang mga sintomas ng dengue ay nagsisimula sa lagnat na kungsaan ay nauuwi sa kombulsiyon ,pananakit ng kalamnan, mga buto o kasu-kasuan, madalas na pag singa, pananakit ng talukap ng mata at mga sakit sa balat. Kapag naramdaman na ng mga tao ang mga ganitong sintomas kailanga na niyang magpatingin sa mgg doctor upang agad na malunasan ang sakit na ito.
Dexter A.See/Baguio-PIO
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025