LUNGSOD NG BAGUIO – Ipinasa ng Sandiganbayan ang kaso ni dating mambabatas ng Baguio Nicasio Aliping Jr. sa diumano ay “tree massacre” upang madinig sa regular na korte.
Sa desisyon ng Office of the Ombudsman noong Agosto 2016 na inilabas lamang ngayong buwan ng Pebrero, ipinasakamay na sa regular na korte ang kasong inihain kontra kina Aliping at mga kontraktor na sina William Go, Bernard Capuyan at Romeo Aquino.
Sina Aliping at tatlong kontraktor ay idinemanda sa pamumutol, pagtanggal at pagkolekta ng troso mula sa isang forest reservation at ipinagbabawal na pag-ukopa at pagsira sa kakahuyan.
Kinatigan ng Ombudsman ang argumento ni Aliping na ang naturang complaint ay maaaring saklawin ng regular na korte at hindi ng Sandiganbayan.
“While the complaint alleges that the acts complained of were committed in relation to Aliping’s exercise of official functions, there is no evidence that Aliping cut or burned the trees in the performance of his official functions as congressman, which are essentially legislative in character,” ayon sa desisyon.
Sina Aliping at tatlong kontraktor ay idinemanda noong 2016 dahil sa private resort development ng dating mambabatas sa Mt. Sto Tomas sa Tuba, Benguet na diumano ay nakaapekto sa stability ng slope ng bundok at nagresulta sa malawakang pagguho ng lupa na pinalala pa ng mga pag-ulan. Ang patuloy na pagdausdos ng bato at sediments ang itinuturong dahilan ng kontaminasyon ng Amliang dam na pinag-iipunan ng fresh spring water na ipinamamahagi para sa mga residente ng Baguio City at Tuba.
Ang mga isinagawang paghuhukay ng lupa diumano ay inaprubahan ni Aliping para sa paglalagay ng kalsada mula sa Mount Kabuyao pababa sa Sitio Amliang at Sitio Bekel ng Poblacion, Tuba. Mahigit 200 puno ang pinutol para sa naturang private resort project, ayon sa complainants.
Inihain ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang complaint sa tanggapan ng Ombudsman at sinabing ang mga paglabag ay ginawa ni Aliping sa kanyang kapasidad bilang kongresman.
Ngunit sinabi ng Ombudsman na walang ebidensiya na nagputol, nagbungkal o nagsunog ng puno si Aliping sa pamamagitan ng kanyang opisyal na tungkulin bilang kongresman “…being acts done in his personal capacity, any offense arising therefore is outside the jurisdiction of the Sandiganbayan.”
Pinangunahan ni dating Baguio-Benguet Bishop Carlito Cenzon at si Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan Diocese ang paghahain ng Writ of Kalikasan upang ipahinto ang ginagawang development ng private resort at naglabas ang korte ng Temporary Environment Protection Order (TEPO) upang agad matigil ang aktibidad.
Ikinatuwa naman ni Aliping ang desisyon ng Sandiganbayan, “The case against me is clearly not about graft and corruption and will prove my innocence in due time.” Ace Alegre / ABN
February 25, 2017
February 25, 2017
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024