Katangiang tatak-Ilokano, mangingibabaw sa Palaro 2018

LUNGSOD NG VIGAN – Kilala ang mga Ilokano sa kanilang pagiging hospitality, sipag at kababaang-loob kaya ang mga katangiang ito ang inaasahan mula sa mga residente ng probinsiya sa pagho-host sa 15,000 bisita sa gaganaping Palarong Pambansa 2018 (National Games) na mag-uumpisa sa Abril 15 sa President Elpidio Quirino stadium sa bayan ng Bantay.
Ayon kay Governor Ryan Luis V. Singson, may mga galing sa ibang rehiyon ang darating sa probinsiya sa ikatlong linggo ng Marso upang makita at masanay sa sporting venues, kaya lahat ng residente ay inaasahang tumulong sa pagsalubong sa mga bisita, pakitunguhan nang may galang, at umaasang ipapakita ang kabutihan ng mga Ilokano.
“All residents are urged to help in the success of the biggest sports event in the country which will usher additional income to all sectors of the community in the province,” ani Singson.
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga delegado sa Palarong Pambansa, ang peace-keeping forces mula sa Philippine National Police (PNP) ay ilalagak sa mga key area lalong-lalo na ang 14 bayan na magho-host ng mga bisita subalit sinabi ng gobernador na ang pagsisikap ay hindi lamang magmumula sa kanila kundi pati na rin sa bawat residente.
Sinabi ni Vigan City Police Chief Supt. Marlo Castillo, na ang kaniyang grupo ay handa at patuloy na naghahanda ng ibang plano upang matugunan ang pangangailangan sa panahon ng palaro.
“But all our efforts will be complete with the cooperation of the whole community and of every resident,” ani Castillo.
Ang pamahalaang panlalawigan ay nakipag-ugnayan sa Metro Vigan Traffic Coordinating Council na nabuo upang magplano, magpatupad, at maayos ang daloy ng trapiko sa mga lugar na apektado tulad ng lungsod na ito at ang mga bayan ng Caoayan, San Vicente, Santa Catalina at Bantay.
Upang maiwasan ang matinding trapiko sa mga kalye at aksidente sa kalsada, ang pamahalaang lungsod ng Vigan na pinamumunuan ni Mayor Juan Carlo S. Medina ay mayroon ding inihandang mga hakbang upang bawasan ang mga sasakyan, lalo na ang mga tricycle.
“This huge event will not only inspire the youth of the province and the entire country but will also usher additional livelihood and increase the income of families in the province,” ani Singson. ICR, PIA-Ilocos Sur / ABN

Amianan Balita Ngayon