KATOTOHANAN SA PAG ALAALA KAY ALLAH, ANG MGA PUSO AY NAKAKALASAP NG KAPAHINAHAN

Ang pagiging makatotohanan ay nagugustohan ni allah at isang nagpapadalisay na panghugas para sa puso , at walang ibang gawa ang nakapagbibigay ng gayong kasiyahan sa puso , o mayroong mas malaking gantimpala, kaysa pag-aala-ala kay allah . Sinabi ni allah sa banal na qur’an Kaya’t alalahanin ninyo ako sa pamamagitan ng pagdarasal at pagluwalhati, aalalahanin ko rin kayo (2;152). Ang pag-aala-ala kay allah ay kanyang paraiso sa kalupaan , at
sinoman ang hindi pumapasok dito ay hindi makakapasok sa paraiso ng kabilang buhay.

Ang pag-aalaala ay hindi lamang isang ligtas ng kanlungan sa mga suliranin at pagkabalisa ng mundong ito , datapuwat ito rin ang maigsi at magaan na landas upang makapagtamo ng talagang tagumpay, basahin ang mga
ipinahayag na mga talata na tumutugon sa pag-aala-ala kay allah at iyong mamahalagahin ang mga pakinabang nito. Kung iyong maala-ala si allah, ang mga ulap na pagkabalisa at pangamba ay naitataboy, at ang mga bundok na
bumubuo ng iyong mga suliranin ay nawawasak.

Hindi tayo marapat na magulat kung ating marinig na ang mga tao na nakaka-ala-ala kay allah ay nasa kapayapaan, ang tunay na nakagugulat ay kung paano ang pabaya at walang pakialam ay nakapamumuhay ng walang pagalala sa kanya. Sinabi ng dakilang allah sa banal na qur’an Ito ay mga patay, walang buhay , at hindi nila batid kung kailan ibabangon ang mga taong sumasamba sa kanila.(16;21) O’ sinoman na dumaraing ng hindi pagkatulog sa gabi at nabigla ng masamang pangyayari sa kanya , tawagin ang kanyang banal na pangalan.

Sinabi ng dakilang panginoong allah Kayo baga at nakakaalam sa sinoman na katulad niya ? [ di nga kasi walang sinoman ang katulad o katapat niya o maaring maiwangki sa kanya at wala siyang katambal , walang sinuman ang makakatulad niya, at siya ang ganap na nakakarinig, ang lubos na nakakamasid ] 19; 65 qur’an Kung hanggang saan man ang iyong pag-aala-ala kay allah, ang iyong puso ay magiging panatag at masayahin. Ang pag-aala-ala kay allah ay nagdadala rito ng kahulogan ng ganap na pagdependi o pagiging umaasa sa kanya, o pagbaling sa kanya para sa tulong o ang magkaroon ng mabuting pag-iisip tungkol sa kanya.

At ang paghihintay ng tagumpay mula sa kanya, katiyakan siya ay malapit kung pinaninkluhuran, kayat ibaba mo
ang iyong sarili sa harapan niya at tumawag sa kanya ng matapat, Ulitulitin tawagin ang kanyang magandang pangalan, banggitin siya bilang karapat-dapat lamang sa pagsamba , banggitin ang mga papuri sa kanya, at huming ng pagpapatawad sa kanya at iyong matagpuan sa kapahintulutan ni allah ang kaliwanagan kapayapaan at kaligayahan. Sinabi ni alah sa banal na qur’an Kayat ibinigay ni allah sa kanila ang gantimpala sa mundong ito at ang pinakamainam na gantimpala sa kabilng buhay ( qur’an 3 : 148 )

Amianan Balita Ngayon