Kennon Road binuksan ang 2-way para sa Panagbenga

LUNGSOD NG BAGUIO – Inaprubahan ng Cordillera Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) Joint Task Group Kennon noong Lunes ang pagbubukas ng Kennon Road sa light vehicles na aakyat at bababa sa weekends sap aguumpisa ng Baguio Flower Festival.

Sinabi ni Office of Civil Defense – Cordillera Administrative Region regional director Albert Mogol na ginawa nila ito upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga turista na sasali sa isang-buwang aktibidad.

Pormal na mag-uumpisa ng Baguio Flower Festival o “Panagbenga” sa Pebrero 1 sa isang parada ng street dancing at drum and lyre. Magtatapos ang aktibidad sa isang engrandeng mga parada sa Pebrero 29 at Marso 1.

“The CDRRMC unanimously approved a motion to open Kennon Road to private motorists, light vehicles only, five tons and below, in response to the expected influx of tourists/visitors for Panagbenga 2020,” ani Mogol sa isang advisory na ipinadal sa media.

Bubuksan ang Kennon Road sa isang two-way traffic bawat weekend simula 6 n.u. ng Enero 31 hanggang 6 n.g. ng Pebrero 3 at sa ilalim ng parehong scheme bawat susunod na weekend (Peb. 7- 10; Peb. 14-17; Peb. 21-24; Peb. 28-Mar. 2; and Mar. 6-9).

Para sa weekdays: mula 6:01 n.g. bawat Lunes hanggang 5:59 n.u. kada Biyernes, sa panahon ng Panagbenga, bukas ang Kennon Road one-way lane lamang o paakyat sa Baguio.

Pinayuhan ng Task Group Kennon ang mga motorist na laging sundin ang road traffic rules and courtesy.

Pinapayuhan din ang publiko na laging imonitor ang road updates at advisories sa Kennon Road na maaaring maisara dahil sa masamang panahon sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Mogol na ang pagbubukas sa Kennon Road ay upang maiwasan ang pagsikip sa Marcos Highway kung saan ang Panagbenga ay nagdadala ng daan-daang libo ng turista sa lungsod.

Maliban dito, dahil sa pagbukas ng Tarlac, Pangasinan, La Union Expressway (TPLex) sa Rosario in La Union, ay umigsi na ang oras ng biyahe sa tatlong oras at 30 minuto o mas mababa pa.

LA-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon