Bukas ang pangunahing opisyal sa turismo ng lokal na pamahalaan sa usaping rehabilitasyon ng lungsod, kung kinakailangan, upang makakuha ng pondo mula sa national government para sa pag-unlad ng imprastraktura.
“I think the city’s closure (ala Boracay) is very unlikely. But only if it is for the rehabilitation and development of structures to help us boost the tourism industry, it might be welcome,” paliwanag ni Councilor Elmer Datuin, chairman ng committee on tourism ng city council.
Sinabi ni Datuin na ang funding assistance para sa development ng mga istraktura sa lungsod ay malaking tulong sa pagpapalakas ng turismo sa Summer Capital ng Pilipinas, lalo na ang Department of Tourism (DOT) sa Cordillera ay itinutulak para sa tinatawag na “creative economy” sa lungsod.
“I think it’s about time they poured funds into the Cordillera,” ani Datuin, at idinagdag na ang Visayas at Mindanao ang nagiging tuon ng pagsisikap ng national government sa rehabilitasyon sa mga nakaraang taon.
Nauna rito, inihayag din ni DOT Undersecretary Marco Bautista ang parehong opinion, at sinasabing panahon na para harapin ng national government ang rehabilitasyon ng Baguio.
“In terms of environmental protection and sustainability, Baguio has been left unattended, this city is vulnerable to degradation,” ani Bautista sa kanyang pagbisita sa lungsod kamakailan.
Sinabi ni Bautista na tinitignan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang rehabilitasyon ng Baguio at iba pang tourist spots sa bansa matapos ang anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay.
Pinabulaanan naman ni Mayor Mauricio Domogan ang mga hinalang ang Baguio ay isasara para sa mga turista upang bigyang daan ang rehabilitasyon.
“We did not receive any notice or directive about the closure of the city. This city is not the same as Boracay,” ani Domogan.
Sinabi ng mayor na may lumapit sa kaniyang mga opisyal ng isang Korean community sa lungsod tungkol sa pagsasara.
Siniguro niya sa mga turista, lalo na ang mga kumuha ng maagang reservations sa mga hotel ng lungsod, na maayos silang tatanggapin at gagabayan kapag bumisita sila sa Baguio. P.M. GEMINIANO, PNA / ABN
November 10, 2018
November 10, 2018
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025