Mismanagement ng Burnham Park, pinabulaanan

Nov 10, 2018

Iginiit ng pamahalaang panlungsod na ang Burnham Park ay hindi pinabayaan ng lokal na gobyerno sa mahigit dalawang dekadang pangangasiwa nito sa 34 ektaryang parke.
Ito ang pahayag ni Mayor Mauricio G. Domogan tungkol sa aniya ay maling pananaw na nabigo ang lokal na gobyerno na pangasiwaang maayos ang pangunahing tourist destination sa lungsod.
Binigyang diin ng mayor na dapat ay masusing pag-aralan ng lokal na konseho ang magiging epekto ng nakabinbin na resolusyon na nagbabalik ng pangangasiwa sa Burnham Park sa national government.
“We already had a bad experience when the park was under the administration of the national government through the National Parks Development Committee that is why we lobbied for its turnover to the local government so that we will be able to properly look into the development activities that is supposed to be undertaken pursuant to existing rules ad regulations,” aniya.
Sa ilalim ng Executive Order No. 224, series of 1995 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay ipinasa ang administrasyon, pamamahala at operasyon ng Burnham Park sa lungsod, sa kagawaran ng turismo at sa nalansag nang Philippine Tourism Authority (PTA) at ngayon ay Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), na kailangang maglaan ng taunang subsidiya na umaabot sa P18 milyon sa lokal na gobyerno para sa patuloy na operasyon ng parke.
Ngunit, inihayag ng mayor na ang subsidiya ay ilang taon lamang nasunod at matagal nang itinigil sa hindi malinaw na dahilan na nagbunsod naman upang gumastos nang malaki ang pamahalaang panlungsod sa pangangasiwa ng parke hanggang ngayon.
Aniya, ang lokal na gobyerno ay gumagastos ng tinatayang P42 milyon para sa administrasyon, pangangasiwa at operasyon ng naturang parke kada taon ngunit kumikita lamang ito ng P18 milyon sa operasyon ng kasalukuyang konsesyoner na hindi sapat upang matugunan ang tumataas na gastusin para sa parke.
Ipinaliwanag nito na kung masusunod lamang ang probisyon na nagbibigay ng kapangyarihan sa lokal na pamahalaan na gamitin ang operasyon ng mga kinilalang income-generating areas sa parke ay matutustusan ang operasyon ng parke at maipapatupad ang mga ninanais na improvement na makakatulong upang mapanatili ang tanawin sa parke na madalas na pinupuntahan ng mga turista sa lungsod.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ng konseho ng lungsod ang merito ng mungkahing resolusyon na nagnanais na maibalik ang administrasyon, pamamahala at operasyon ng Burnham Park sa national government upang masiguro ang sustainability dahil sa diumano ay pagkabigo ng lokal na pamahalaan na gawin ang bahagi nito sa pangangasiwa sa parke at mga pasilidad dito.
Nagbabala ang mayor na ang pagbabalik ng pangangasiwa sa Burnham Park sa national government ay magreresulta sa mas seryosong problema kaysa masolusyunan dahil ang concerned agencies ay siguradong ipaggigiitan ang kanilang kagustuhan kontra sa kung ano ang inirekomenda sa mungkahing master development plans para sa parke na binuo ng mga responsableng stakeholders na ang layunin ay ipreserba ang kalagayan ng mga pasilidad para sa mga residente at turista. BAGUIO PIO / ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest