Publiko hinimok intindihin ang anti-profanity ordinance

Nov 10, 2018

Umaapela ang pamahalaang lokal sa mga residente at bisita sa lungsod ng Baguio na pahalagahan at intindihin ang layunin ng anti-profanity ordinance.
Katwiran ni Mayor Mauricio G. Domogan, layon ng naturang ordinansa na linangin ang asal at ugali ng kabataan upang lumaki ang mga ito bilang responsableng mamamayan sa halip na problema ng lipunan.
Sinabi ng mayor na nakakatanggap ito ng maraming tawag mula sa iba’t ibang local, national at international media outfits na nagtatanong tungkol sa implementasyon ng anti-profanity ordinance na nalagdaan noong Setyembre 24,2018 at nagsimulang ipatupad noong Oktubre.
Aniya, batay sa probisyon ng Ordinance No. 118, series of 2018 na iniakda ni Councilor Lilia Fariñas, ang sakop ng ordinansa ay ang mga estudyante sa high school at college na kadalasang nagpupunta sa mga pampublikong lugar gaya ng paaralan, cafeterias, computer shops, arcades at mga kaparehong establisimyento.
Sinabi niya na bagaman ang ordinansa ay walang penal provision o mabigat na parusa, responsibilidad ng mga opisyal ng kanilang paaralan na bantayan ang kanilang mga estudyante sa loob ng paaralan upang gumalaw ang mga ito nang naaayon sa katanggap-tanggap na pamantayan.
Paliwanag ng mayor, may autoridad ang paaralan na magpataw ng parusa sa mga estudyanteng mahuhuling lalabag habang nasa loob ang mga ito ng kampus.
Sa kaso naman ng business establishments, sinabi ng mayor na obligasyon ng mga negosyante na maglagay ng babala sa kanilang mga establisimyento na magsisilbing gabay ng mga tao na huwag magbigkas ng anumang salita ng pagmumura na maaaring makasakit sa iba pang taong nakakarinig.
Sinabi ng mayor na moral obligation ng mga magulang at nakatatanda na tignan ang ikabubuti ng kabataan sa pamamagitan ng pagtuturo ng wastong asal at ugali habang bata pa sila.
Iginiit niya na ang karapatan sa malayang pagpapahayag na nakasaad sa konstitusyon ay hindi ganap dahil may mga limitasyon ito kaya hindi ito maaaring gamitin para salungatin ang layunin ng anti-profanity ordinance.
Aniya, mainam pa rin na ituwid ng mga magulang, guro at nakatatanda ang maling asal ng mga bata.
Umapela ito sa mga residente na basahin muna ang nilalaman ng ordinansa upang maintindihan nang maigi ang layunin nito bago maglabas ng komento.
Sinabi ng mayor na ang mga nagkokomento sa social media na pumupuna at kumokontra sa naturang ordinansa ay hindi muna ito binasa bago nagbigay ng komento. BAGUIO PIO / ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest