LUNSODG NG BAGUIO
Hinamon kamakailan ni Councilor Fred Bagbagen ang tanggapan ng Bases Conversion Development Authority at ang John Hay Management Corp.na magpakita ng katibayan na may nakuha silang “consent “ mula sa syudad ng Baguio bago magsagawa ng mga proyekto sa loob ng Camp John Hay na kung saan ito ay nakasaad sa Section 27 of the Local Government Code. Ito ang mariing hamon ni Bagbagen sa kanyang isinagawang privilege speech sa loob ng konseho noong Setyembre 16, 2024. Ani Bagbagen ,” BCDA and JHMC are unable to provide the requested evidence of consent from the city government, they would be considered “squatters” and “builders of bad faith.”
Ibinulalas pa ni Bagbagen na dapat aniya na dapat tupdin ang panuntunan ng 19 conditionalities na kung saan ay tinuligsa nito ang BCDA at JHMC na dapat igalang at sundin ang kasunduaang ito sa pagitan ng city government. SInabi pa niya na hindi nirespeto ni Engr. Bobby Akia, ang nakatalagang engineer ng CJHMC ang nakapaloob sa 19 conditionalities. Sa Paliwanag ni Bagbagen kanyang pahapyaw na binanggit ang “Article 449 of the Civil Code of the Philippines which states, “he who builds, plants or sows in bad faith on the land of another, loses what is built, planted or sown without right to indemnity.”
Subalit sa pagpapaliwanag naman ni Akia sinabi niya na sa isinagawang special session ng city council noong Agosto 29, 2024 na ang “19 conditionalities had not been included in the development of the Camp John Hay (CJH)Master Development Plan”. SInalungat ito ni Councilor Bagbagen na kung saan ay sinabi niya na ang pahayag ni Akia ay isang “self-serving allegation.” Nalaman din ng konsehal na kasalukuyan di umanong nakikipag negotiate ang BCDA sa mga apektadong barangay.
Aniya ang nasabing negotiations at pagbibigay ng certificates sa mga affected barangay is “problematic” na kung saan ay mabibigo dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Baguio dahil binibigyan lang aniya ng BCDA ang mga residente ng “false hope of ownership”. Ipinaliwanag pa ni Bagbagen na hanggang hindi pa nahihiwalay ang mga affected barangay sa military reservation ang mga residenteng ito sa nasabing mga barangay ay hindi makakakuha ng titulo sa kanilang mga lote. Aniya , “The residents are occupying areas which are not yet alienable and disposable as they are still within the John Hay Reservation”.
Matatandaan na noong 1994 may ilang bahagi sa loob ng John Hay ay itinalaga bilang John Hay Special Economic Zone (JHSEZ) na kung saan ay nagkabisa sa pamamagitan ng Proclamation No. 420 na ibinnaba ng dating Pangulong Fidel V. Ramos . Ito ay sinuportahan ng Baguio City Govenrment sa pamamagitan ng pagpasa ng Council Resolution subalit may mga kondisyon na iminungkahi ang city government sa loob ng nasabing special economic zone. Dito nabuo ang isang” master development plan” na tumutukoy sa binaybay na19 conditionalities sa ilalim city council na kung saan ito ay ang magsisilbing “guide”sa mga magaganap na development sa loob ng nasabing lugar.
Nakapaloob sa nasabing “Condition No. 14 of the agreement between the BCDA and the city government mandates that all affected barangays be excluded from the John Hay Reservation. For decades, the city government has been making efforts to persuade the BCDA to fulfill this condition, but to date, the 13 barangays remain unsegregated”. Samantalang sa Condition No. 9 requires the BCDA to allocate 3% of the gross income from operations within the JHSEZ to the city government, and 1% to a community development fund managed jointly by the city and BCDA, totaling 4%.
However, no payment has been made yet under this condition, and the amount owed stands at P56,843,842.0 “, ayon sa patuloy na pagpapaliwanag ni Bagbagen. Dapat aniya na sundi ang nakapaloob sa “Condition No. 10 mandates BCDA to allocate either 25% of its lease rentals or 30% of its net income from JHSEZ operations”. Sa ilalim ng kondisyon na ito nakasaad na mayroon pang outstanding balance ang BCDA na nagkakahalaga ng P168,608,109.60 na kung saan ay taliwas umano ito sa inilahad ng City Treasurer’s Office na umaabot lamang umano sa halagang P930 milyon na umabot sa taong 2020 na nakabase lamang sa lease agreement sa pagitan ng city at ng BCDA at Camp John Hay Development Corporation (CJHDevco).
Jordan G. Habbiling / SP PIO
September 20, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024