RAZOTE, BAGYONG PROVINCIAL DIRECTOR NG APAYAO

 LUNA, Apayao 

Pormal na itinalaga bilang bagong provincial director ng Apayao Police Provincial Office (PPO) si Col. Arnold Razote, kapalit ni Col. Jefferson Cariaga, sa ginanap na Turnover of Command ceremony sa Camp Gov Elias K Bulut Sr. and Training Center, Luna, Apayao Setyembre 19. noong Pinangunahan ni Brig.Gen. Rogelio Raymundo,Jr., deputy regional director for Administration ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), samantalang naging pangunahing bisita sina Congresswoman Eleanor C. Bulut-Begtang at Governor Elias C. Bulut, Jr. Ang tradisyunal highlights ng seremonya ay ang symbolic transfer of command, kung saan iniabot ni Cariaga ang command symbol, property book, at equipment inventory sa incoming PD na si Razote.

Nagpahayag ng pasasalamat si Cariga sa mga tauhan ng Apayao PPO sa kanilang walang patid na suporta sa kanyang panunungkulan. Si Cariaga ay itinalaga naman bilang PRO-CAR Chief ng Regional Personnel and Records Management Division. Masayang tinanggap naman ni Razote ang mga hamon sa hinaharap at nanawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga tauhan ng Apayao PPO. Hinikayat naman ni Raymundo ang Pasindayaw Cops na suportahan ang bagong Provincial Director at magtulungan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga taong kanilang pinaglilingkuran.

“Sa pagtanggap ng ating bagong direktor, nananawagan kami sa buong tauhan ng Apayao PPO na ipaabot
ang kanilang buong suporta at kooperasyon sa pagpapatupad ng kanyang mga plano at programa para sa
ikabubuti ng ating lalawigan. kapayapaan, seguridad, at kaunlaran para sa mga mamamayan ng Apayao,” dagdag
niya. Ang kaganapang ito ay hindi lamang minarkahan ang pormal na pagbigay ng pamumuno kundi kumakatawan
din sa pagpapatuloy ng responsibilidad, tungkulin, at pangako sa kapayapaan at seguridad ng Apayao.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon