Sabi nila…kung may mga taong lapitin ng suwerte…meron din daw ang mga taong lapitin ng malas.
Kanya-kanyang panahon lang daw. Di ba may kasabihan ang buhay ay parang gulong. Umiikot. Ang suwerteng gulong ay yong hindi nafla-flat o hindi nalulubak. Kaso, may pagkakataon na ang gulong ay makagulong ng “ebak” o dumi ng aso. Malas. Kaya sabi ng mga maiingat: huwag ka ng
gumamit ng gulong…maglakad ka na lang. May bagong kontrobersiya na naman sa pagitan ng ating
bansa at ang Tsina. Na naman? Ano na naman?
Di ba kamakailan lang …natapos ang eleksiyon sa Taiwan at nanalo si Lai Ching Te, President elect. Bilang pangulo ng Pilipinas, binati ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. si Pres. Ching –Te. Nagalit ang China sa bati ni Pres. Bongbong. Susmaryusep! Pati ba naman sa pagbati, pakikialaman pa nila,
tapik ng marami. Anong masama sa pagbati eh ito ay nangangahulugan lang ng lang ng ating gobyerno sa Taiwan dahil napakarami tayong kababayan na nagtratrabaho doon. Anong masama dito?
Kung kaaway ng Tsina ang Taiwan dahil sa kanilang teritorial dispute, wala tayong pakialam, di ba?
Ang masakit pa…dahil sa pagbati ni Pres. Bongbong sa bagong halal na presidente ng Taiwan ay
pinatawag ng Tsina ang ating embahador doon. Para saan? Pasasagutin kaya nila ito bakit binati ni Pres. Bongbong si Pres. Ching-te? Binati naman ng US at Japan at iba pang nasyon si Ching-te, pero hindi naman pinatawag ng Tsina ang kanilang mga embahador. Bakit tayo lang?
Di ba nagpapahiwatig lang yan na tayo talaga ang puntirya ng pagmamatyag ng Tsina dahil sa agawan sa teritoryo sa West Phil. Sea. Naku, pards…dapat huwag ng palalain ang tensiyon sa WPS. Pag napigtas ang sintron ng mga nagtitimpi, tiyak…may masamang mangyayari. Matagal ng panahon na ang ating bansa ay sumasaldal pa rin sa mga imported na produkto lalo na sa linya ng
agrikultural. Di maikakaila na marami pa tayong inaangkat na produkto at isa sa mga bansang pinagkukunan natin ay ang Tsina.
Saan man natin ibaling ang ating mga mata…sandamakmak sa paligid ang mga bagay na galing sa Tsina. Kahit pa sabihing mas mababa raw ang kalidad ang gawang China kumpara sa gawang
Japan….hindi naman tumitigil ang pagdating dito ng mga produktong inismagel mula China. Di natin alam kung papano tayo makakaalpas sa gapos na ito. Sabi ng iba, dapat palakasin natin ang
pagpaparami ng ating mga sariling produkto upang upang mabawasan ang pag-aangkat.
Malaking katipiran ito at matutulungan pa natin ang ating mga kababayan. Sana, sa plano nilang amyendahan ang ating Saligang Batas (Konstitusyon), isama nilang halukayin ang mga probisyon nito hinggil sa pagpapalakas ng ating ekonomya. Ang pinakabagong kontrobersiya ngayon ay ang
pagkabulgar na may mga establisyemento sa bansa ang umaayaw na kilalanin ang prebelihiyo ng mga Senyor.
Matagal na tayong may expanded law na nag-aatas sa mga establisyemento na magbigay ng 20% dicount at 12% VAT excemption sa mga senior citizens at persons with disability (PWD). Marami rin ang tumutupad pero nabulgar na may mga hindi pala tumutupad. Yan ngayon ang tinututukan ng ating gobyerno upang sila’y panagutin. Ang kanilang pagsuway ay labag sa itinatadhana ng RA 9994 o expanded senior citizens act at RA 10754 para sa mga PWD. Salamat sa mga nakasilip sa
kontrobersiyang ito. Adios mi amor, ciao, mabalos.
January 20, 2024
January 20, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024