Korporasyon kinasuhan dahil sa “paglason sa mga pine tree” sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Kinasuhan ng Office of the Provincial Prosecutor sa Benguet ang isang korporasyon at land developer nito ng dalawang bilang ng paglabag sa environmental laws sa di-umano’y paglason sa 45 fully grown Benguet pine trees sa Legarda Road noong nakaraang taon.
Sa isang pinagsamang resolusyon na may petsang Enero 27, kinasuhan ni Assistang Provincial Prosecutor Sheryl Anne Paoad-Cabantac ang mga opisyal ng Gateluck Corporation at Greatzone Enterprises ng, “one count of violation of Section 18 of Republic Act 11038 or the Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act of 2018 and another count of violation of Section 226 par. C No. 1 of City Ordinance 18 series of 2016 or the City Environmental Code.”
Nag-ugat ang isyu sa reklamong ipinila ni Mayor Benjamin Magalong sa Office of the City Prosecutor noong Agosto ng nakaraang taon laban sa Gateluck Corporation dahil sa di-umano’y paggamit ng “poisonous o toxic substance” upang “sadyang patayin” ang 45 pine trees sa loob ng pag-aari ng korporasyon.
Sinabi ni Magalong na 45 counts ng environmental violation sa City Environment Code ngunit dinismiss ni Deputy City Prosecutor Conrado Catral dahil sa kakulangan ng probable cause kaya nagpila si Magalong ng Motion for Reconsideration sa Office of the Regional Prosecutor na inindorso kay Paoad-Cabantac kasama ang isang hiwalay na mosyon ipinila ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa parehong kaso.
Sa joint resolution, isinantabi ni Paoad-Cabantac ang oposisyon ng respondent na si Jasper Golangco ng Gateluck Corporation na ang Motion for Reconsideration na ipinila ay “out of time” dahil lamang sa diperensiya ng address ng nagrereklamo.
Sinabi ni Paoad-Cabantac na ang sertipikasyon inisyu ng postal office sa City Hall sa halip na sa residential address ng mayor na sinasabing ang resolusyon ay natanggap ng Mayor’s Office noong Oktubre 7, 2019 na tinatamasa ang palagay ng regularidad at kung ganun ay maaaring tugunan dahil sa merito nito.
Sinabi rin ng prosecutor na ang karagdagang ebidnesiya ay maaaring isumite at maaari pa ring ikonsidera ayon sa kanilang bigat at kasapatan sa panahon ng resolusyon ng Motion for Reconsideration.
Naitatag ni Paoad-Cabantac na ang TCT 018-201900216 na sumasakop sa pag-aari kung saan ang mga pine tree ay di-umano’y nilason ay sakop ng ENIPAS espesipikong tinutukoy ang Section 5 ng nasabing batas.
“The certification issued by the CENRO is unequivocal and explicit that TCT No. 018-201900216 is located within the Marcos Highway Forest Reserve, a protected area and an initial component of the system. By being a protected area, human activity therein are hereby regulated by law. To be exact, protected areas shall be managed to enhance biological diversity and protected against destructive human exploitation…” nakasaad sa joint resolution.
Sa kaniyang orihinal na reklamo ay sinabi ni Magalong na ang butasin sa pamamagitan ng pagbarena ng mga butas sa katawan ng mga puno ay isang gawa na sadyang sirain at patayin ang mga pine tree na tahasang paglabag sa Environment Code ng lungsod.
Ito ay pinanatili ng prosecutor na sinabi sa joint resolution na, “drilling holes into these pine trees and injecting poisonous substances are acts punishable under the ENIPAS Law and the Environmental Code of Baguio City.”
Ang joint resolution ay inindorso pabalik kay Regional Prosecutor Nonnatus Caesar Rojas para sa impormasyon at kaukulang aksiyon.
 
JMS-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon