KULTURANG ‘BINNADANG’ IKINASA NG PULISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG TYPHOON ODETTE

LA TRINIDAD, Benguet – Ikinasa ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) ang Oplan Binnadang sa pamamagitan ng relief operation para tulungan ang mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ang ‘Binnadang’ ay isang kultura o’ kaugalian ng mga Cordilleran, samantalang sa mga lowland naman ay ang tinatawag na ‘Bayanihan’ ay ipinapakita dito ang espiritu ng pagkakaisa at pagtutulungan na bawat-isa sa panahon ng kagipitan.
Sa pamamagitan ng Oplan Binnadang, katuwang ng PROCOR ang kanilang mga partner stakeholders ay nagtutulong-tulong at naglikom ng mga donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Sa simpleng sed-off ceremony noong Disyembre 21, sinabi ni PROCOR Regional Director BGen.Ronald Oliver Lee, sa unang bugso ng relief operation ay dalawang trak na lulan ang mga assorted goods ang inisyal na ipapadala sa lalawigan ng Cebu at Bohol.
Ang mga assorted relief goods na may kabuuang halagang P539,828.00 ay kinabibilangan ng bigas,canned goods, groceries, drinking water, vegetables at mga non-food items na gaya ng kitchen utensils, toys, bags, at clothing.
Ayon kay Lee, ang mga iba pang nakakalap na donasyon mula sa mga Police Provincial Offices at City Police Office, maging sa mga private sector ay inihahanda para sa next batch ng operation.
“We are deeply saddened by the widespread devastation and the loss of lives caused by the typhoon. We hope that in the midst of the great sorrow and pain, they will find comfort in the fact that millions of people, including our PROCOR cops family, are in solidarity with them,” pahayag ni Lee.
PROCOR/via Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon