KUNG MAPIGTAS ANG SINTURON… MARIAKUSINA!!!

Isang higanteng MARYUSEP na pinsan ni MARIA=KUSINA ang tiyak na magaganap kapag “mapigtas” ang sinturon. Pananaw ito ng marami dahil sa isyu ng “pagtitimpi”. Ito kasi ang nangyayari sa ating bansa sa ngayon. Matagal nang nagtitimpi o nagbibinat ng sinturon hinggil sa WPS DRAMA. Tayo ang lumalabas na talunan pero pinaparatangan tayong kontrabida. Sige, upakan natin ito, pards: Kapag sinabing “pigtas na ang sinturon, ubos na ang iyong pasensiya. Wala ng aatrasan. Sa Ilokandia, may kasabihan ang mga matatanda hinggil sa kasalan: “sina-baket, awan dakdakes”.

Hihimayin natin ang “pigtas na sinturon”. Kung maubos na ang pasensiya ng Pilipinas sa ginagawa ng Tsina…ano na kaya ang mangyayari? Ayon sa mga “pilosopo…para daw walang gulo…kung pigtas na iyong sinturon, bumili ka ng bago para humaba uli ang pasensya laban sa pangAALASKA ng China sa West Phil Sea. Mantakin mong pitong sundalo ng Phil. Navy ang inalipusta kamakailan ng mga tauhan ng China Coast Guard. Isang miyembro ng Phil Navy ang naputulan pa ng daliri. Hindi lang yan, inagaw pa nila ang walong high-powered firearms at binutas ang RHIB, ang Rigid Hull Inflatable Boat.

At kinuha pa ang mga cell phones ng mga sundalo natin. Agresiyon na ito, di ba? Magsasagawa lang sana ang AFP ng resupply mission sa BRP Sierra Madre nang sila’y banggain ng Coast Guard ng China at sinalikubkuban . Nakipagsuntukan pa nga ang ating mga sundalo, ang kaso, mas marami ang kalaban. Ito ay sobra lantarang harassment, di ba? Sa pangyayaring ito, magbibinat pa ba tayo ng sinturon? Ano nga ba ang dapat gawin? Sa puntong eto, hayaan natin ang gobyerno ang kumilos at gumawa ng disposisyon.

Tulungan natin ang ating gobyerno sa pamamagitan ng taus na dalangin na huwag ng lumala ang tensiyon (kasi wala talaga tayong laban) at mamulat ang Tsina na dahil sa kanyang pag aangkin sa mga isla ng Pilipinas at pangbubully ay nagtatawag pansin na sa buong mundo at kinokondena na ng mga lideres ng malalaking bansa. May sinabi kamakailan ni Pangulong Bongbong at matatag ang kanyang paninidigan: “isang buhay lang ang makitil…maituturing nang simula ito ng digmaan”. Digmaang ayaw nating mangyari dahil maraming masasangkot. Pilipino man o mga dayuhan na maaring tumulong sa atin.  Pag-iwas lang sa madugong labanan.

Pagsalba sa lahing Pilipino. Hindi karuwagan kundi pagsasaalng alang ng kapakanan at kabutihan ng lahing Pilipno. Kung igagala natin ang ating mga mata, may tatlong taon na ang hidwaan ng Russia at Ukraine at malala pa rin ang sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine. Ang mga bansang eto ay lantarang nagdidigmaan. Tapang sa tapang. Teknolohiya sa teknolohiya. Patay kung patay. Nanaisin ba natin na mangyari sa ating bansa? Mas gugustuhin ba natin na isubo ang ating mga sundalo at mamamayan sa isang digmaan na alam natin na magiging digmaan din mundo hindi lang Pilipinas? Iisa lang ang daplis ng espasyong ito: dagdagan pa natin ang ating DALANGIN na
sana ay humupa na ang mga tensiyon sa daigdig lalo na sa West Phil. Sea. Adios mi amor,ciao, mabalos.

POGO IN, POGO OUT

Amianan Balita Ngayon