Kuwartong paupahan, sinunog ng lasing na boarder

Sinunog diumano ng lasing na boarder ang isang kuwartong paupahan bandang 6:45pm ng Hulyo 1, 2018 sa Purok 21, San Carlos Heights, Irisan, Baguio City.
Inireklamo ng may-ari ng paupahan na si Nellie Canutab, 69, ang boarder na si Florencio Ronduan, 29, construction worker mula Batac, Ilocos Sur.
Ang suspek na nasa impluwensiya ng alak, diumano’y pumasok sa isang paupahang kuwarto at sinunog ang kama, kutson, kumot, foam at ibang beddings sa hindi malamang dahilan na halos matupok ang buong kuwarto subalit napatay ang sunog ng may-ari at ibang kapamilya.
Walang naiulat na nasugatan. Ang halaga ng pinsala ay hindi pa malaman.
Ang kaso ay iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection habang ang suspek ay nasa kustodiya ng PS2-Baguio City Police Office para sa tamang disposisyon.

Amianan Balita Ngayon