LA TRINIDAD HANDA NA SA COFFEE, STRAWBERRY FESTIVAL CELEBRATION

LA TRINIDAD, Benguet

Nakanda na municipal government para sa muling selebrasyon ng Strawberry at Coffeee Festival,matapos ang tatlong taon na nabinbin ito dulot ng pandemya. Inaasahan ns muling dadagsain ng mga coffee lovers at stakeholders ng industriya ng kape ang okasyong ito. Nakatakda ang coffee festival sa Pebrero 21 hanggang 23, 2023 sa municipal gymnasium.

Ngayon sa ika- anim na pagtatanghal nito, ang Coffee Festival ay binalik sa orihinal na iskedyul ng Pebrero sa halip na Disyembre, ito ay ayon sa kahilingan ng mga farmers ng kape na makapagbigay sila ng magandang kalidad ng kape. Layunin ng coffee festival ay isulong sa lungsod ang coffee industry at ang kultura ng coffee consumption.

Ayon kay Mayor Romeo Salda, “This year’s festivals will be the time for the municipality to bounce back after the three years of the COVID-19 situation. With the normalization of the situation, it is now time for us to recover whatever we have lost due to the pandemic ” Ang Strawberry Festival naman ay magsisimula sa Marso 6 hanggang 31, na may temang “A Festival for Recovery: Building a Brighter Future from Adversities,” at kaakibat ang mga tradisyunal na activities.

Ang Strawberry Lane at ang Agro Fair ay bubuksan sa publiko sa Marso 6 sa municipal grounds. Ang highlight ng selebrasyon ay sa Marso 17 ay ang civic parade na susundan ng isang misa at ang pangunahing programa ng pagdiriwang sa umaga at ang mga ritwal na “owik tan tayao” at ang mga multicultural na pagdiriwang at ang acoustic kompetisyon ng banda sa hapon.

Sa Marso 18  ay matutunghayan ang streetdancing at small float parade at  Strawberry Cake Fest, na maaaring makisalo ang publiko sa mga cake na iluluto ng mga lokal na panadero at mga negosyante. Ang Mr. and Ms. La Trinidad pageant ngayong taon 2023 sa pre-pageant sa Marso 19 at coronation night sa Marso 26.

By Jerico Cayabyab/ UB Intern

Amianan Balita Ngayon