‘HANDOG NG PANAGBENGA SA PAMILYA BAGUIO’MULING ISINAGAWA NG BFFFI

BAGUIO CITY

Nakilahok ang mga residente sa painting competition na kung tawagin ay “The Art of Blooming” bilang “Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio” na ginanap sa Melvin Jones Football ground, Burnham Park, Baguio City noong Pebrero 12. Sa ika-27 na selebrasyon ng Panagbenga, ang ‘Let a
Thousand Flower Bloom’ ay traditional na aktibidad na handog ng Baguio Flower Festival Foundation Inc, (BFFFI) para sa mga residente na mailahok ang kanilang mga talento sa larangan ng art painting.

Bukod dito ay nagkaroon din ng Kite-flying Contest, Cultural Show, SLU Band Concert at Zumba Challenge. Sa tulong ng Davies Paints, ang mga kalahok ng painting competition ay nabigyan ng libreng kagamitan sa pagpinta katulad ng mga paint at canvasses na siyang kanilang ginamit para sa contest na may amateur, professional, at family na kategorya. Sa temang “Celebrating the colorful culture of the Cordilleras,” layunin nitong hikayatin ang artists ng lungsod upang maipakita nila sa pamamagitan ng pag pinta ang Cultural Heritage at ganda
ng Cordillera.

Ang kompetisyon ay may tatlong kategorya, mula sa professional, amateur at family. Ibinahagi ng isang kalahok ng Professional Category ang kanyang obra na pinamagatang “Tithonia’s Delight” na ayon sa scientific name ng sunflower na “Tithonia Diversifolia.” Ito ay ginamitan ng iba’t ibang kulay na nagpapakita ng buhay at kultura ng Cordillera. Nakatakdang ianunsyo at parangalan ang mga mananalo sa March 5, kasabay ang Awarding at Closing Ceremony ng Panagbenga.

Blanca Masadao/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon