La Union at Pangasinan, kinilalang top rice producers

Jun 4, 2017

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, LA UNION – Pinarangalan ang mga probinsya ng La Union at Pangasinan sa Rehiyon1 para sa kanilang nagawa sa larangan ng agrikultura.
Tinanggap ng dalawang probinsya ang parangal sa katatapos na 2016 Rice Achievers Award sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.
Ang La Union at Pangasinan ay nangibabaw matapos ang pagsusuri at pagsasala ng National Screening and Evaluation Team (NSET) ng Department of Agriculture (DA) sa mga probinsya base sa kanilang Provincial Rice Program (PRP) noong 2016.
Maliban dito ay dumaan din ang mga probinsya sa sunod-sunod na panel interviews at validations upang mapatunayan ang kanilang naiambag sa suplay ng bigas, na natagpuang umaabot sa kabuuang 72 porsyento sa buong rehiyon.
Sinabi ni Governor Emmanuel Francisco R. Ortega III ng La Union, “This national recognition to the province is the fruit of our teamwork and a re-focused planning and implementation for our agricultural programs.”
“While we are truly proud to have joined the other outstanding provinces in rice production, we shall sustain and further elevate our position as the one of the lead provinces in terms of the rice program,” aniya.
Samantala, nauna nang inihayag ni Pangasinan Governor Amado I. Espino III na ginagawa ng probinsyal na gobyerno ang makakaya nito upang patuloy na ipatupad ang mga programang inilunsad ng nakaraang administrasyon. Nangako ito na kaakibat ng kasalukuyang programa ay bubuo pa ng mga hakbang upang maisulong ang probinsya ng Pangasinan na maging agro-industrial area sa mga susunod na taon.
Maliban sa La Union at Pangasinan, ang ibang top rice-producing provinces ay Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Compostella Vallley, Bulacan, at Lanao del Norte.
Ang pitong awardees ay tumanggap ng trophy at P4 million na cash prize na magagamit sa iba’t ibang programa upang mapabuti pa ang agrikultura sa kani-kaniya nilang nasasakupan.
Ngayong taon ay ika-apat na beses na tinanggap ng Pangasinan ang naturang award habang unang beses naman ng La Union. Anne Hazel Fajardo-Flores/PIA-1 / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest