LA UNION PINASINAYAAN ANG SELEBRASYON NG AYAT FESTIVAL 2023

LA UNION

Bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagkakakilanlan, inilunsad ng Provincial Government ng La
Union ang Ayat Festival kasabay sa pagdiriwang na ika- 173rd Founding Anniversary ng Probinsya na magsisimula sa Pebrero 25. Kalakip ng selebrasyong ang iba’t ibang aktibidad na inilatag ng provincial government na pinamumunuan ni Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega David katuwang ang iba’t ibang ahensya ng lalawigan.

Tampok sa selebrasyon ang muling pagbubukas ng carnival na matatagpuan sa San Fernando City bilang bahagi ng Opening Day ng Ayat Festival 2023. Layon nito na magbigay saya at aliw sa publiko lalo na sa mga bata. Kalakip din nito ang hangarin na palawakin pa lalo ang turismo sa lalawigan. Bagamat marami ang natuwa sa pagbabalik ng carnival, may mga lokal ring nag paabot ng kanilang pangamba sa maaring maging epekto nito lalo na at hindi pa natatapos ang pandemya.

Ayon kay Cassandra Huffana, 29, residente ng lungsod “Mga bata number one na pupunta dito and
knowing kids they are susceptible to minimal exposure of virus. Even not Covid, still the crowd draws attention to it.” “Sana they are able to bring this on a bigger venues na alfresco wala na palakasan nlng ng guardian angel to” dagdag pa ni Huffana. Sinisigurado naman ng provincial government sa publiko na maigting na pagtutuunan ng pansin ang minimum health
protocols, upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng Covid sa lalawigan.

Mula sa panayam mula kay Rizaldy Nisperos, empleyado ng PGLU “As far I know eh almost wala naman cases dito sa province so parang mas free na mga tao to roam around. Pero syempre kailangan parin i-observe ang minimum public health standard.” Hangad ng PGLU na ang kapistahang ito ay magbukas pa ng maraming oportunidad para sa La Union at lalo pang pagandahin at pasiglahin ang ekonomiya ng probinsya upang makabawi at makabangon sa pinsala na dulot ng pandemya. Ang carnival ay magbubukas sa unang araw ng Ayat Festival at ito ay magtatagal hanggang sa March 31, 2023.

Godwin Anthony Niduaza/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon