Lalaki, arestado sa illegal na armas at pampasabog sa Pangasinan

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO – Arestado si Wilson Caguioa Felix, 41, negosyante at residente ng Brgy. Poblacion, Binmaley, Pangasinan dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosive, hatinggabi ng Oktubre 17, 2018 ng pinagsamang elemento ng CIDG RFU1-PFU Pangasinan (lead unit) at Binmaley Police Station.
Inaresto sa Felix sa bisa ng Search Warrant No SW-214-018 sa paglabag sa R.A. 10591 at Search Warrant No SW-215-018 para sa paglabag sa RA 9516 na parehong ibinaba ni Judge Mervin Jovito Samadan ng RTC Branch 70 ng Burgos, Pangasinan noong Oktubre 15, 2018.
Nakumpiska sa suspek ang isang defaced Norinco cal. 45 pistol (SN 813882); isang Smith and Wesson cal. 38 revolver (SN: 91625); isang cal. 22 magnum revolver (SN: R-1061532638); isang Armscor cal. 9mm pistol without serial number; 10 live ammo ng cal.45; apat na live ammo ng cal. 38; anim na live ammo ng cal. 22; apat na live ammo ng cal 9mm; 11 live ammo ng cal 5.56mm; dalawang magazine ng cal. 45 pistol; isang magazine ng cal 9mm pistol; at isang rifle grenade.
Ang nasabing operation ay bahagi ng Oplan Paglalansag Omega at Oplan Salikop ng CIDG.
“The Police Regional Office 1 fortifies the implementation of firearms law and continuously curb loose firearms which are most often used by criminal gangs and private armed groups,” ani PSSupt Herminio S. Tadeo Jr., PRO1 officer-in-charge.
Ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng police operations kontra sa loose firearms ay unang yugto sa paghahanda sa
rehiyon ng darating na National at Local Elections upang masiguro ang mapayapa at totoong eleksyon. Ito ay hakbang upang mapigilan ang krimen at tiyaking ligtas ang lugar upang mamuhay, magtrabaho at magnegosyo. PRO1 PIO

Amianan Balita Ngayon