Navy serviceman, inakusahan ng sexual assault

Inakusahan ang batang Philippine Navy serviceman ng sexual assault ng isang dalaga habang nasa loob ng Baguio-bound na bus, madaling araw ng Oktubre 17, 2018.
Inihayag ng 19 anyos na dalaga na nagising siya nang ang katabi niya sa Baguio-bound Victory Liner bus na si Allen Johh Saong Gayo, 22, ng Upper Central Buyagan, La Trinidad, Benguet, ay ipasok ang kamay nito sa loob ng kaniyang shirt at nilamas ang kaniyang kaliwang dibdib.
Nang imulat ng dalaga ang kaniyang mata, nakita niyang paalis ang Navyman.
Iniulat ng bus conductor, na tinawag ng dalaga, ang insidente nang madaanan nila ang Baguio Police Station 5 sa kahabaan ng Marcos Highway. A.ALEGRE / ABN

Amianan Balita Ngayon