Number 1 most wanted person, arestado sa Ifugao

IFUGAO – Nadakip ang isa sa most wanted persons ng Ifugao bandang 5pm ng Oktubre 15, 2018 sa Sitio Pungto, Barangay Bato-Alatbang, Mayoyao, Ifugao.
Sa pagnanais ng Ifugao PPO na ihain ang katarungan kung kanino ito nararapat, ang pinagsamang elemento ng
Kasibu Municipal Police Station, RIU 14 PRO-Cordillera, at Mayoyao Municipal Police Station sa pangunguna ni PI Jimmy N. Tuguinay, deputy chief of police, ay inaresto si Lito Udjam Guimpat, 34 anyos at residente ng Sitio Inhab, Barangay Mongol, Mayoyao, Ifugao.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Raul R. Attolba Jr., presiding judge ng RTC,
Branch 30, Bayombong, Nueva Vizcaya, dahil sa krimeng murder sa ilalim ng criminal case number 1858 at walang
inirekomendang piyansa.
Ang suspek ay nakalista bilang No.1 most wanted person sa Municipal Level ng Kasibu Municipal Police Station. SPO2 JORDAN NGATIYON, PNP-Ifugao

Amianan Balita Ngayon