Binugbog ang isang lalaki ng barangay chairman kasama ang tatlo pa bandang 8pm ng Oktubre 24, 2018 sa Barangay San Juan West, Pilar, Abra.
Personal na nagpunta sa Pilar MPS ang biktimang si Narciso Domingo, 27 anyos at residente sa nasabing barangay, upang iulat ang pangyayari bandang 8:30am ng Oktubre 25. Inireklamo niya ang diumano’y pambubugbog ni Barangay Chairman Garizaldy Andrew Ferido kasama sina Junnel Del Pintor, Bingbong Dela Rosa, at nagngangalang Rachel, lahat ay mga miyembro ng BPAT.
Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang biktima ng kaniyang motorsiklo na dumaan isang lamay sa nasabing lugar nang kinumpronta siya ng mga suspek dahil sa ingay ng muffler ng kaniyang motorsiklo. Sinubukan ng biktimang magpaliwanag subalit nagpalitan ang mga suspek sa pambubugbog sa biktima.
Dinala sa Villaviciosa District Hospital ang biktima matapos iulat ang insidente para magamot at kalaunay inilipat sa Abra Provincial Hospital para sa karagdagang medical examination. Inihanda na ang kaso upang ipila sa Abra prosecutor’s office noong Oktubre 26.
October 27, 2018
October 27, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025