9 anyos na batang babae, nasagasaan

LUNGSOD NG BAGUIO – Nasagasaan ang isang 9 anyos na batang babae bandang  11:45pm ng Oktubre 22, 2018 sa pedestrian lane sa Kias Road, Baguio City.
Sa imbestigasyon, patungong Baguio City ang Toyota Hilux na minamaneho ni Ruben Bauyan Thurs, 59 anyos, at residente ng Alapang, La Trinidad, Benguet, nang biglang tumawid ang 9 anyos na batang si Menchie Mangawili Falaw-ed, grade 4 pupil at residente ng nasabing lugar, kaya nasagasaan ito.
Dahil sa matinding pagkakabangga, naitulak ang biktima pasulong at bumulagta sa kalsada. Nagtamo ang biktima ng slight injuries sa kaniyang kaliwang braso at ulo kaya naman agad na isinugod ng drayber sa BGHMC para sa agarang lunas at kalauna’y ini-release ng kaniyang attending physician.
Agad nagtungo sa BGHMC ang mga rumespondeng traffic investigators at tinanggap ang driver’s license at OR/CR ng sasakyang sangkot mula sa nakatalagang security guard ng nasabing ospital.

Amianan Balita Ngayon