Lalaki, binugbog ng jail officer sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Binugbog ng jail officer ang isang lalaki bandang 1:20 ng madaling araw noong Oktubre 5, 2018 sa kahabaan ng Agrix Bokawkan, Baguio City.
Kinilala ang biktimang si Jonathan Velasco Santiago, 39 anyos at residente ng Tabaoen, Balili, La Trinidad, Benguet, at ang suspek ay si Emmanuel Agway Mataag, 42 anyos, Jail Officer 3 na nakadestino sa Baguio City Jail at residente ng Poblacion Central, Buyagan, La Trinidad, Benguet.
Sa imbestigasyon, galing ang biktima at kasama nito mula sa Batawa Bar at habang naglalakad patungo sa kanilang nakaparadang sasakyan ay biglang hinampas ng suspek ang biktima ng handgun at saka binugbog.
Naaresto ng mga rumespondeng tauhan ng Station2 ng BCPO ang suspek at dinala naman ang biktima sa Baguio General Hospital. Inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento para sa inquest proceedings.

Amianan Balita Ngayon