Lalaki hinihinalang na-hit and run ng motorsiklo sa Baguio

Hinihinilang na-hit and run ang isang lalaki bandang 8pm ng Nob. 20, 2018 malapit sa Landbank, Naguilian Road Branch, MRR Queen of Peace, Baguio City subalit iniulat lamang sa pulis bandang 3pm ng Nobyembre 21.
Sa imbestigasyon, isang itim na motorsiklo na may plakang 2773 ZG na minamaneho ng hindi pa nakikilalang lalaki ay nasagasaan si Young Joe Lour Waguis Abella, 37anyos at residente ng Asin Road, Baguio City.
Matapos mabangga, natumba ang biktima, ang motorsiklo at ang rider sa kalsada. Sinubukan ng biktimang kausapin ang driver ng motorsiklo upang humingi ng pampagamot subalit agad na pinaandar ng driver ang kaniyang motorsiklo at tumakas at naiwan ang biktima.
Nagtamo ang biktima ng galos sa kaniyang kaliwang binti base sa Medico-Legal Certificate na inilabas ng kaniyang attending physician na si Dr. Oscar Halim Jr.
Inihahanda na ang request letter para sa LTO upang beripikahin ang registered owner ng nasabing motorsiklo at posibleng pagkilala sa sangkot na driver.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon