Patay ang isang 31-anyos na lalaki matapos saksakin ng sariling kuya bandang 6:45am ng August 7 sa Guinaoang, Mankayan.
Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtalo ang biktimang si Oliver Matias, Suyag, 31, single, jobless; at suspek na Nestor Matias Suyag, 35 anyos, magsasaka, parehong residente ng Guinaoang, Mankayan. Sa kanilang pagtatalo, sinaksak ng suspek ang biktima sa kaliwang dibdib gamit ang isang kitchen knife.
Ang biktima ay itinakbo sa Lutheran Hospital, Buguias, Benguet ng mga rumespondeng pulis subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician, Dr. Jeraldine Kadatar.
Ang suspek ay naaresto at dinala sa Mankayan MPS para sa tamang disposition.
August 13, 2017
August 13, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025