2 lalaki mula sa Pangasinan, nadakip sa rent-carnap

Aug 13, 2017

ALAMINOS CITY – Muling lumutang ang isang sindikato ng rent-carnap nang mawala ang Toyota Innova na pag-aari ng isang negosyante mula sa Bulacan at nakita sa dalawang lalaki mula sa Bolinao, Pangasinan, Lunes ng gabi (Aug.7).
Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay inaresto bandang 8:45pm na nakasakay sa inireklamong sasakyan ng may-ari na si Evangeline Umetso, 45 anyos, mula San Ildefonso, Bulacan, kung saan natunton ang kaniyang sasakyan gamit ang naka-install na active global positioning system (GPS) na gadget.
Nang oras na iyon, ang sasakyan ay hawak ng isang Johnny Inocelda, isang negosyante, 43 anyos; at ang driver nitong si Renante Pascua, parehong taga-Barangay Balingasay, Bolinao.
Ipinaalam ni Umetso sa Alaminos City Police na ang kaniyang sasakyan ay inupahan nang isang buwan ng isang Roger Garvida Fuentes, 37 anyos, mula sa North Fairview, Quezon.
Subalit, natapos ang isang buwan, hindi na makontak ang cellular phone ni Garvia at hindi rin makita sa address na ibinigay.
Nagpatulong na si Umetso sa highway patrol group (HPG) upang makita ang kaniyang nawawalang sasakyan.
Sa pagtatanong sa Alaminos City police kay Inocelda, inamin nito na binili niya ang sasakyan sa isang nagngangalang Gabriel Islocum alias Raymundo ng Fairview, Quezon City subalit hindi siya makapagpakita ng anumang dokumento.
Ang reklamong carnapping ang inihahandang isampa sa mga suspek.
Samantala, ayon sa pulisya, pinaghahanap naman ng mga operatiba ng HPG sina Garvida at Islocom. LEONARDO MICUA, PNA

RELATED POSTS

PSBRC

PSBRC

Life is Beautiful para sa mga kabataan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bahay Pag- Asa Youth Center, matapos silang surpresahin ng mga...

TULONG MEDICAL

TULONG MEDICAL

Sa pagtutulungan ng Kapulisan ng Kalinga, Local Government Unit at ilang private sectors ng Kalinga, 500 residente ng Sitio Latawan,...

AMIANAN POLICE PATROL

Kalinga shooting leaves one dead, one critical A dental technician was killed while another is in critical condition after they were fired...

AMIANAN POLICE PATROL

BCPO ginawaran ng Gold Eagle Award dahil sa mahusay na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Isang makasaysayang parangal ang iginawad sa...

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

OUTREACH PROGRAM IN APAYAO

Sa lalawigan ng Apayao, isang outreach program ang pinangunahan ng mga kapulisan na miyembro ng PSBRC Class 2015- 02 “PANABAK-MATAGILA” na...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest