Magsasaka, pinatay ng sariling kalabaw

La Trinidad, Benguet – Napatay ng isang kalabaw ang sarili nitong amo, hapon ng Lunes (Agosto 7), sa liblib na bayan ng Danglas, Abra.
Ayon sa Abra police, natagpuan nila malapit sa kaniyang kalabaw na naliligo sa sariling dugo at patay na ang biktimang si Gregorio Arcal Pilor, 74 anyos, residente ng Barangay Pidipid, sa bayan ng La Paz.
Habang naglalakad papunta sa plantasyon ng tubo kung saan nakita ang biktima ng pinsan nitong si Rubencio Pilor at anak na si Cecile Velasco Quinones, na malapit sa kalabaw sa Sitio Domeguiay, Barangay Caupasan, Danglas.
Ayon sa mga crime scene investigator, ang 74 anyos na magsasaka ay nagtamo ng sugat sa ulo, dibdib at likod na galing sa sungay ng kalabaw.
Nais ng pulisyang magsagawa ng autopsy subalit tumanggi ang pamilya ng biktima. Pumirma ang pamilya sa isang waiver na naniniwala silang ang pagkamatay nito ay aksidente lamang. ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon