Inireklamo ang isang lalaking nambugbog at nagbanta diumano dahil hindi ito pinagbentahan ng alak sa pagitan ng 7pm hanggang 7:20pm ng Hulyo 28, 2018 sa East Quirino Hill Extension, Baguio City
Ayon sa pulisya, nagtungo ang biktimang si Gerardo Dimacali Tranate, 55, storekeeper at residente sa nasabing lugar bandang 11:38am ng Hulyo 29, 2018 sa Station 2 ng city police office upang ireklamo ang suspek na si Rommel Talis, construction worker at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon bago nangyari ang insidente, nasa loob ng kaniyang tindahan ang biktima nang dumating ang suspek upang bumili diumano ng alak. Nang sinabi ng biktima sa suspek na wala nang alak, nagsalita ng hindi kanais-nais ang suspek sa biktima at hinamon ng suntukan na naganap sa main door ng bahay ng biktima. Kapwa napaghiwalay ang dalawang lalaki ng kasama ng suspek at pinauwi ito.
Subalit, ilang minuto lamang ay bumalik ang suspek na may dala diumanong hindi pa malamang kalibre ng baril at hinimok ang biktimang lumabas ng kaniyang bahay na hindi naman sinunod ng biktima.
Base sa medico-legal certificate ng biktima, nagtamo ito ng multiple abrasion sa kaniyang kaliwang kamay at nasal aspect. Ang kaso ay ipipila pa.
August 7, 2018
August 7, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025