URDANETA CITY, PANGASINAN – Hindi na umabot nang buhay ang isang 52 anyos na lalaki matapos itong nabunggo ng isang van dakong 8:16pm noong Mayo 2, 2018 sa Barangay Bactad East, Urdaneta City, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng otoridad ay lumabas na ang silver green Hyundai Starex na may plakang XFM 478 at minamaneho ni Erwin Marquez Ignacio, 35 anyos, may-asawa, isang overseas Filipino worker OFW at residente ng Casantiaguan, San Manuel, Pangasinan ay nabundol si Ricardo Petite Basa, 52 anyos, single, jobless at residente ng lugar ng aksidente. Isinugod sa Urdaneta District Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa Asingan Police Station at inendorso ito sa Urdaneta City police.
May 8, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025