Ginulpi ng barangay tanod at kasamahan nito ang kainuman dahil sa kalasingan bandang 9:15pm ng Mayo 15, 2018 sa Brgy. Central East 1, Bangar, La Union.
Sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktimang si Nikki Cabaya Gazmin, 30anyos at residente ng Brgy. Cacalding, Narvacan, Ilocos Sur, kasama sina Ginbert Dimalanta Soriano, 30anyos, barangay tanod at residente ng Brgy. San Blas, Bangar, La Union, at Jemar Nalayog Viernes, 18anyos, residente ng Brgy. Magsiping, Luna, La Union.
Nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang mga nag-iinuman nang biglang ginulpi ang biktima gamit ang kahoy.
Bilang resulta, nagkaroon ng sugat ang biktima sa kaniyang ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan kaya itinakbo sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando, La Union para magamot samantalang ang mga suspek ay nasa kustodiya ng pulisya para sa tamang disposisyon.
May 19, 2018
May 19, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025