Libong halaga ng mga gamit at pera, tinangay

Tinatayang ilang daang libong piso ang halaga ng kagamitan na tinangay ng di pa nakilalang suspek o mga suspek sa Sta. Barbara, Pangasinan kamakailan.
Nakatanggap ng ulat ang Sta. Barbara PS bandang 7:50pm ng Hunyo 28 sa diumano’y insidente ng pagnanakaw na nangyari sa Brgy. Maningding, Sta. Barbara, Pangasinan.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng Sta. Barbara PS at lumabas sa inisyal na imbestigasyon na bandang 5pm ng parehong araw, napag-alaman ng mag-asawang Louie at Cherry Lamsen na pinasok ang kanilang bahay ng hindi pa nakikilalang suspek o mga suspek at sapilitang binuksan ang back kitchen door na ginamit sa pagpasok.
Natangay ng suspek o mga suspek ang telebisyon, microwave, 8 relo, assorted na alahas na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P300,000, cash money na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P125,000, assorted bags, guitar,  laptops, PS4 at mga damit na hindi pa malamang halaga. Nagsagawa ang mga miyembro ng Sta. Barbara PS ng follow up operation at imbestigasyon.

Amianan Balita Ngayon