3 wanted persons , arestado sa Pangasinan

Tatlong indibidwal na tinutugis ng batas ang nadakip sa magkakaibang operasyon ng kapulisan ng Pangasinan noong Hunyo 28.
Arestado ang suspek na si Keyrhon Bugayon Asuncion, 24 anyos, at residente ng Brgy. Inanlorenza, Bayambang, Pangasinan, dakong 7:25am ng naturang araw ng mga pulis ng Bayambang sa nasabing barangay sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Hunyo 5, 2018 na ibinaba ni Judge Rusty M. Naya ng RTC Branch 56, San Carlos City, Pangasinan sa paglabag sa RA 9262, kilala bilang Anti-Violence Against Women and their Children o VAWC.
Samantala, arestado rin ang suspek na Danny Esteves aka Abo, 24 anyos, construction worker at residente ng Pogo Grande, Dagupan City, Pangasinan, dakong 8am, ng mga pulis ng Dagupan sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Mayo 25, 2018 at ibinaba ni Judge Zara Sanchez Fernandez ng first judicial region, MTCC Branch 1 ng Dagupan City, Pangasinan sa kasong Acts of Lasciviousness.
Arestado rin ang suspek na si Dr. Wilma Muyrong Dela Cruz, 52 anyos, ob-gyne doctor at residente ng Brgy. Manzon, San Carlos City, Pangasinan, bandang 10:30am sa nasabing barangay, sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng San Carlos City PS sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Hunyo 26, 2018 na ibinaba ni Presiding Judge Grace Gliceria F. De Vera-Muralla, MTCC ng San Carlos City, Pangasinan sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Amianan Balita Ngayon