100,000 sako ng bigas sa NFA, tatanggapin ng Pangasinan

LUNGSOD NG DAGUPAN – Ipapadala ang halos 100,000 sako ng alokasyong bigas ng National Food Authority (NFA) sa eastern at western Pangasinan sa buwan ng Hulyo.
Kinumpirma ni Dionisio Rivera, manager ng NFA eastern Pangasinan, sa isinagawang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas forum dito noong Hunyo 28 na ang NFA warehouses ng eastern at western Pangasinan ay makakatanggap ng 50,000 sako bawat isa ng imported na bigas mula sa 280,000 sako sa unang batch na ipinadala.
Sinabi ni Rivera na ang imported na bigas ay magmumula sa Vietnam at Thailand.
Aniya, ang suplay ay magtatagal ng pito hanggang walong araw lamang at isasaalang-alang ang kinakailangang konsumo sa buong probinsiya.
“But, we have enough supply because we produce rice in our province, we even sell our surplus to neighboring provinces,” aniya.
Dagdag pa niya na ang presyo ng NFA rice, na ibebenta sa palengke, ay mula P27 hanggang P32 bawat kilo.
Kasalukuyang iprinoproseso ng NFA ang accreditation ng rice outlets, na intensiyong magbenta ng NFA rice.
“We hope that the supply will benefit those who are really in need or the indigent families,” ani Rivera.
Ang buffer stock ng NFA Pangasinan ay nagsimulang bumaba simula huling quarter ng 2017. H.AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon