LUNGSOD NG LAOAG – Balik sa paghahanda ng kanilang mga lupain ang mga magsasaka rito para susunod na cropping season.
Inaalok ni Solsona Mayor Alexander Calucag ang libreng pagbubungkal ng mga bukid sa lahat ng barangay sa bayang ito gamit ang government-funded na farm machinery mula sa Department of Agriculture, bilang bahagi ng rehabilitasyon at recovery program upang tulungan ang mga magsasakang lubhang naapektuhan ng bagyong Ompong.
Upang masiguro ang maayos na implementasyon ng programa, sinabihan ng MDRRMO ang mga magsasaka
na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at isama ang kanilang mga pangalan sa listahan upang mapakinabangan ang libreng tilling services.
Nagpapasalamat si Wilfred Baguio ng Barangay Mariquet sa tulong ng gobyerno habang pinapanood ang kaniyang rice farm na binubungkal noong Oktubre 8.
“This is (a) very, very nice initiative from the government. We can sleep better at night not worrying about the high cost of farming,” ani Baguio, at sinabing siya’y nakatipid ng halos P5,000 sa pagbubungkal lamang.
Sa ngayon, sinisingil ng pribadong farm tractor operator ang mga magsasaka ng 50 cents kada square meter.
Ang magsasakang si Juliet Tolentino ay nagsabing, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon lamang niya naencounter ang programang katulad nito. Maliban sa pagkakaloob ng libreng pagbubungkal at seed subsidy sa mga magsasaka, nagkaloob din ang ibang ahensiya ng gobyerno at institusyon ng interest-free na pautang upang maiiwas ang mga magsasaka mula sa pananamantala ng ilang usurers at cartels. L. ADRIANO, PNA / ABN
October 14, 2018
October 14, 2018