Mining ban sa Itogon, pinahihinto ng DENR

ITOGON BENGUET – Pansamantalang pinahihinto ni Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Secretary Roy Cimatu ang mining ban ng small-scale mining sa Itogon upang pagbigyan ang pakiusap ng mga small-scale miners na ipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.
Ito ay matapos ang “Operation Itogon” ng National Task Force Mining Challenge (NTFMC) na pinangungunahan
ng DENR na nagpasara ng 539 tunnels mula sa tinatayang mahigit 1,000 na naimbetaryo.
Halos 335 ball mills ang nabarikadahan, 33 kilograms ng cyanide ang nasamsam, at 64,214 sako ng tinatayang
mineral ore ang nakuha, ayon kay Ralph Pablo, regional director ng DENR-CAR.
Nakatakdang pumunta si Cimatu sa Itogon upang makausap nang harapan ang mga nagrereklamong residente
na nagdurusa sa pagsasara udyok ng malaking pagguho bunga ng bagyong Ompong na pumatay sa kulang 100 na smallscale miners at kanilang pamilya.
Naunang iniutos ng DENR ang tuluyang pagpapasara ng lahat ng mining activities sa Benguet at ibang panig ng
Cordillera dahil inaalala ang mga maaaring susunod na insidente ng landslide na maaaring kumitil ng mas marami
pang buhay.
Subalit ang pagsasara ay nagkaroon ng maraming reklamo mula sa mga residente karamihan ay ito ang inaasahang pangkabuhayan. Kahit na ang indigenous goldpanning na “sayyo” sa mga ilog ay pinahinto rin.
Ang Operation Itogon ay ipinasara ang mga active mine tunnels na may karatula ng pagsasara ng minahan at
yellow lines na kordon sa mga entry points. Halos anim na small-scale miners ang nahuli at nahaharap sa paglabag ng mining law.
Mahigit sa 20,000 smallscale miners ang sinasabing apektado ng ipinatutupad na mining ban. Ang Federation of
Small-scale Mining Associations sa Benguet ay humiling na tignang muli ang pagpapasara ng mga maliliit na minahan na anila ay malaking dagok sa pangkabuhayan ng mga residente. A.ALEGRE /ABN

Amianan Balita Ngayon