LIDER NG DRUG GROUP LAGLAG SA BUY-BUST OPERATION

BAGUIO CITY

Arestado ang isang umano’y lider ng isang drug group na nakalista bilang High Value Individual (HVI) matapos makumpiska ang mahigit P238,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa Lower Magsaysay, Baguio. lungsod. noong Abril 21. Kinilala ang suspek na si Allan Sunga Nider, 54, residente ng 146 Purok 3, Brarangay
Lower Magsaysay, Baguio City.

Nakalista si Nider sa Top 1 Regional Target Drug Personality ng PDEA; Top 7 HVI- City level, Top 3 PDEA Unified Target List at isang lider ng Drug Group Al-lan. Nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng PDEA na sinuportahan ng mga tauhan ng Baguio City Police Office, sa harapan nina Barangay Kagawad Ricardo Rodriguez ng Barangay P. Burgos at Prosecutor Bernard
Angeles na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa mga operatiba ang kabuuang walong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 35.02 gramo na may Standard Drug Price na P238,136.00; isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana na tumitimbang ng 0.64 gramo na nagkakahalaga ng P76.80.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon