PORTAIT PAINTINGS IBINAHAGI SA BAGUIO MUSEUM

BAGUIO CITY

Ibinahagi ng isang kilalang artist na si Jenny Marsha Agtani, ang kanyang mga kakaibang portrait paintings na kung tawagin ay “Mimesis’ sa Baguio Museum noong Abril 23. Ang Memisis ay ang
tinatawag na imitasyon sa totoong mundo, sa pamamagitan ng muling paglikha ng mga pagkakataon ng pagkilos at mga kaganapan ng tao o pagpapakita ng mga bagay na matatagpuan sa
kalikasan.

Ang self- learned pintor na si Agtani ay ginawang libangan ang pagpipinta at naging inspirasyon ang kanyang pamilya sa ibat ibang uri ng art at simula sa pagka-bata ay naging mahilig na siyang magdrawing sa wall ng kanilang bahay. May kabuuang 33 portrait paintings ang kanyang ibinebenta, na karamihan ay mga mukha ng kilalang mga personalidad, na gaya nina Marilyn Monroe, Keanu Reeves, Rodrigo Duterte, immitation ng Monalisa at Scream painting at kasama ang pamilya niya.

Aniya, ang portrait faces ang kanyang pinili upang ibahagi sa kanyang exhibit, dahil mas maganda umano na formal portrait lamang ang ibahagi upang hindi masyadong halohalo “Maganda itong gawa niya lalo na yung favorite ko which means na lahat tayo ay may sari-sariling ganda and we
see it from different perspectives” ayon kay Jessa Mae Cahanap, isang audience sa exhibit. Sinimulan niyang kolektahin ang kanyang pinta na idinisplay sa Baguio Museum noong taong 2020.

“Kasi simula noong pandemic stress tayo noon tapos hindi ako nakapagdrawing ng matagal so doon nareawakening yong passion ko na mag-paint ulit. “Form of relaxation ko yong painting kasi
di ba maraming work so ito ang pang-relax,”pahayag ni Agtani. Ang mga medium na kanyang ginamit ay ang water color at Acrylic, at gumamit din siya ng gridding at free hand. Kabilang din si Agtani sa Baguio Arts Guild at ang kanyang paboritong ginawa ay ang portrait ni Keanu Reeves, dahil ito yung may detalye kumpara sa ibang paintings sa medium.

Francis Jay Alipio-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon