Lider ng sindikato ng Droga Sa La Union nahuli

Headlines

CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO SAN FERNANDO CITY, La Union – Hindi na nakapalag ang isang di umanoy “high value individual na lider ng Go Drug Group na pinaniniwalaang responsible sa iligal na pagbebenta ng shabu sa syudad na ito ng arestuhin ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa Region 1 matapos ang isang mahabang pagsusubaybay sa galaw ng nasabing suspek.

Kinilala ni P/Brig. Gen. Emmanuel B. Peralta, regional director ng Police Regional Office-1 ang suspek na si Jon Ralph Go,37 anyos ng Barangay 1, San Fernando City, La Union. Ayon kay Peraltanadakip ang nasabing suspek sa pinagsanib na pwersa ng San Fernando City Police, Police Intelligence Unit, La Union, Police Drug Enforcement Unit (PPDEU), Technical Support Company-Regional Mobile Force Battalion 1 (TSCRMFB1), Criminal Investigation Detection Group (CIDG), La UnionMaritime Police Station(LU MARPSTA),Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU1), Police Drug Enforcement Group Special Operation Unit 1 ( PDEGSOU1), 1stProvincial Mobile Force Company (LUPMFC), Regional Intelligence Division (RID) and Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at ng tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency- RO1.

Nakumpiska mula sa nasabing suspek ang mga sumusunod na mga kontrabando gaya ng isa piraso ng heat-sealed transparent na plastic na di umano ay may lama ng white crystalline substance na pinaghihinalaang ”shabu”, isang cigarrete empty pack na kulay pula, 11 na piraso ng maliit na plastic na may lamang shabu isang cellular phone na Huawei isang VIVO cellular phone, isang piraso ng P1,000 peso bill na may Serial No. MZ245455; at isang Yamaha MIO 125s MC na kulay itim na walang kaukulang plaka o registration.

Dinala sa San Fernando City Jail ang nasabing suspek habang ihinahanda ang mga kasong kakaharapin nito sa husgado.

Pinuri naman ni PBGen Peralta ang kapulisan at mga sumuporta sa pagkakahuli di umano ng nasabing suspek na nakalista sa kanila bilang “high value individual” na suspek sa iligal na droga. Nanawagan din si Peralta sa mga mamamayan na tulungan ang kapulisan sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagsupil sa mga masasamang elemento ng lipunan.

“Let uscontinue intensifying our aggressive stance against lawlessness and criminality. Through this,we can improve thepeace and orderin the region”, ani Peralta.

Thom F. Picaña/ABN