LOKAL NA MAGSASAKA NABIGYAN NG MGA FARMING EQUIPMENT NG CITY AT DA

BAGUIO CITY

Namahagi ang tanggapan ni Mayor Benjamin Magalong at ng City Veterinary and Agriculture Office at ang Department if Agriculture-Bureau of Plant and Industry ng ibat ibang gamit pang bukid 0 farming equipment ang ilang organisasyon ng mga lokal farmer ng syudad nitong nakaraang lingo. Pinangunahan ni Magalong ang maimigay ng 3 UV plastic sheet, anim na walking type tractor, 10 black garden net apat na roll ng PVC pipe/hose mga vegetable seed at 9 na drum sa mga magsasaka sa lunsod.

Ayon kay CVAO chief Silardo Bested ang pamimigay ng mga kasangkapang pang farming aniya ay isang pagkilos upang suportahan ang “urban farming” sa lunsod na kung saan ay kinikilala ng lokal na pamahalaan ang ambag ng mga lokal na farmer sa aspetong agrikultura upang matustusan nito ang pangangailangang pangkabuhayan ng bawat magsasaka. Ginanap ang naturang aktibidad noong Otubre 4 sa Baguio City Hall matapos anag isinagawang coordination meeting ng Cum Farmers Consultation na isinagawa sa kolaborasyon ng Department of Agriculture.

Ayon naman kay CVAO senior agriculturist Marcelina Tabelin ay isinagawa upang mamonitor ang mga urban farmers sa larangan ng pagpapaunlad ng urban gardening o urban farming na isang prioridad ng syudad at ng DA na tulungan ang mga magsasakang ito. Bukod kay Magalong dumalo rin sina Konsehal Popo Cosalan na siyang chairman ng committee on agriculture sa city council.

Nagsagawa rin ng open forum ang DA at ang lokal na pamahalaan upang tugunan ang mga hinaing ng mga magsasaka at dito rin napagalaman ng kinauukulan na marami palang concern ang mga
ito tulad ng sustainability at marketing ng kanilang mga produkto. Isiniwalat din ni Tabelin ang “components of the fiveyear Urban Agriculture Development Plan” at ng mga priority ng NGA at ang seven – point core agenda ng city government.

Gaby B. Keith

Amianan Balita Ngayon