Longganisa cookbook, ilulunsad ng Vigan

LUNGSOD NG VIGAN – Nais ng pamahalaang panlungsod ng Vigan na maglunsad ng isang cookbook sa taong ito na nagtatampok ng ilang masasarap na recipe ng longganisa, ang One-Town-One-Product (OTOP) ng lungsod.
Ito ay ipinaalam ni Mayor Juan Carlo Medina sa naganap na annual longganisa cookfest.
Ang longganisa cook fest ay pangunahing tampok sa taunang Longganisa Festival ng Vigan tuwing Enero 22 na nagsimula noong 2008.
Ang Vigan longganisa ay isang delicacy mula sa Mexican salami, maliit at mabilog na katutubong longganisa sa panahon ng Kastila.
Sa kasalukuyan, mahigit 100 na longganisa-based recipe ang nailista ng lokal na gobyerno ang nakahanda para mailathala.
“We are planning to start the publication of a cookbook this year to draw more inspiration to our local chefs to become more creative in making more recipes out from our famous longganisa food product,” ani Medina.
“The publication of said cookbook is also our way of recognizing our schools, hotel and restaurants, and local chefs, who participated in our annual cook fest,” aniya.
Dagdag pa ng mayor na ang pangangasiwa sa taunang cookfest ay naglalayon na gawing sikat na pagkain ang longganisa hindi lang sa lokal kundi sa pandaigdigang antas.
“Every year, we invite a foreign chef to serve as a judge in our cookfest with an aim to make our local food promoted and appreciated globally,” aniya.
Siniguro pa nito na mataas ang kalidad ng Vigan longganisa dahil ito ay pasado sa alituntunin ng Food and Drug Administration (FDA).
Ang kaibahan ng Vigan longganisa sa iba pang mga longganisa sa Pilipinas ay dahil sa sangkap nitong sukang tubo at sariling bawang.
Upang masiguro ang kalidad, naglaan ang lokal na gobyerno ng pinansiyal na tulong para sa packaging. FGL/PIA-1 / ABN

Amianan Balita Ngayon