Lungsod nag-ulat ng pagkumpol ng mga kaso ng COVID sa mga opisina ng gobyerno

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng City Health Services Office (CHSO) ang pagkakaroon ng pagkumpol ng mga kaso ng Corona Virus Disease (COVID) 2019 sa mga opisina ng gobyerno maliban sa naunang pagkumpol ng parehong kaso sa iba’t-ibang establisimiyento ng negosyo sa lungsod.

Tinukoy ni City Health Officer Dr. Rowena Galpo ang pangangailangan sa mga lugar ng trabaho na yakapin ang tinatawag na ‘SAPAT’ DAPAT isang akronima para sa pagtatalaga ng safety at health officer sa bawat lugar ng trabaho; air circulation at ventilation in said places; physical distancing at least 1 to 2 meters apart; always wear face mask and shield and time interaction should be limited to less than 15 minutes.

Isa pa, sinabi ni Galpo na ang mga opisina at establisimiyento ay maaaring piliin ang alternate work arrangement upang maiwasan ang matagal na harapang pakikihalubilo sa pagitan ng mga manggagawa at kliyente.

Pinayuhan ni Galpo ang mga manggagawa na siguruhin na ang kanilang mga mesa sa opisina ay dapat nakaayos na may physical distancing at maaaring maglagay ng mga harang kung aangkop sa kasalukuyang sitwasyon. Maliban sa mahigpit na pagsunod sa physical distancing sa lahat ng oras, binogyan-diin ng city health officer na kailangan laging mayroong limitadong bilang ng mga tao sa loob ng mga silid upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus sa kanila.

Ayon sa kaniya, sa mga pamamaraan na maaaring gawin upang mahadlangan ang mabilis na pagkalat ng virus ay ang pag-spray ng alcohol o sanitizer sa parehong mga kamay at magkaroon ng disinfectants at foot bath sa entrada kung praktikal; ang mga kagamitan o sasakyan na papasok sa hub operational area ay dapat dumaan sa disinfection process; at kung mayroong mahabang pila sa labas ng opisina o bakuran ng tindahan, kailangang ipatupad ng mga nagrorondang opisyal ang physical distancing na 1 metro.

Karagdagan pa, binigyan-diin ni Galpo na ang palagiang nahahawakan na bahagi gaya ng door knobs at hawakan ay kailangang madisinfect kada 2 oras maliban pa na kailangang madisinfect ang mga lugar ng trabaho tuwing aalis ang mga trabahador.

Sinabi niya na ang lahat ng wash rooms at palikuran ay dapt may sapat na malinis na tubig at sabon at may lagging may nakahandang sanitizers sa mga pasilyo, hagdanan, elevators at mga lugar kung saan dumaraan ang mga trabahador.

Mas mahalaga pa, ipinaalala ni Galpo sa mga manggagawa na palakasin ang kanilang immune system sa pagkain ng masustansiya at maayos na lutong pagkain, uminom ng maraming likido, sapat na tulog na kahit 8 oras sa isang araw at mag-ehersisiyo ng palagi at magbigay ng referral para sa mga manggagawa na nangangailangan ng payo o nagpapakita ng mental health concern. Ang mga opisina na nakapagtala ng kaso ng COVID ay ang City Health Services office – 23, Department of “Agriculture – Cordillera – 9, Department of Social Welfare and Development – 6,
City General Services office at Criminal Investigation and Detection Group – tig- 4, Department of Labor and Employment at City Mayor’s Office – tig-3 each at City DILG office, Public Order and Safety Division, City Council, Department of Public works and Highways, City Environment and Parks management Office at Philippine Drug Enforcement Agency – tig-2 na kaso.

Sa kaso ng Baguio City Police Office (BCPO), ang iba’t-ibang istasyon at opisina na nag-ulat ng mga kaso ng COVID ay Station No.7 – 8, City Mobile Force Company at Station No. 1 – tig-6, Station No. 10, Station No. 5 at Station No. 9 – tig- 5 kaso bawat isa, BCPO command center – 4, Station No. 4 at Tourist Police Unit – 3 kaso abwat isa at Station No. 8 – 2.

DAS-PIO/PMCJr.-ABN