LUNGSOD NG BAGUIO WAGI SA CLIMATE CHANGE NA PATIMPALAK

BAGUIO CITY

Minsan pang pinatunayan ng Lundo ng Baguio ang pagkakaroon nito ng malasakit sa kapakanan ng mga bata at kabataan na kung saan ay nagwagi sa isang climate change na patimpalaka ang
syudad na may pinamagatang “‘Streets for Children Project’” na kung saan ay isa sa mga napili ng “First Kaohsiung’s Call for Global Solutions on Green Transitions for Industrial Cities of the Industrial Climate Development Institute (ICDI)”.

Ang nasabing patimpaak ay nakatuon sa mga urban na syudad sa pagitan ng pampubliko at pribadong aspeto na tumuyuko sa kapakanan ng maayos na kapaligiran, enerhiya at mga inisyatib na nakatuon sa pagbabago ng galaw at pag unlad ng isang syudad. Masusi ting pinag-aaralan nito ang urban climate leadership upang pagtuunan nito ang pag-aaral sa maayos at makakalikasang kapaligiran na maari ding ipahiwatig at tugunan ng ibang syudad.

Ayon kay Architect Donna Rillera –Tabangin, hepe ng City Planning Development and Sustainability Office(CPDSO) ang nasabing proyektong “Street For Children “ ay nakatuon sa
pagpupunyagi na magkaroon ng maayos na pamayanan na ayon sa kagustuhan o akma sa mga kabataan . “The city’s roads are public spaces shared by everyone including children and young
people, so they should be made part of the design and decisionmaking process,” paliwanag ni Tabangin.

Idinagdag pa ni Tabangin na ang nasabing proyekto ay isa sa programa sa ilalim ng “Safe and Sound Cities” ito ay upang bigyan ng karapatan ang mga kabataan na magkroon ng partisipasyon sa paghubog ng kanilang kaalaman at maging bahagi sa paggawa ng mga desisyon sa lipunan. Ang mga nagwagi ay pormal na bibigyan ng award sa Smart City Summit and Expo sa Kaohsiung, Taiwan sa darating na Marso sa taong 2024.

Gaby B.Keith, Mileyvonne Tiamzon

Amianan Balita Ngayon