BAGUIO CITY
Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of
Transportation-Cordillera (LTFRB DOTr-CAR) ang mga transport operators sa rehiyon na hindi pa nakapagconsolidate na sa December 31, 2023 na ang deadline ng consolidation ng mga ito. Ayon kay Engr. Lalaine Sobremonte ng LTFRB DOTrCAR, sa inilabas na polisiya ng DOTr ay sa December 31 na ang deadline ng consolidation na isa sa mga component ng Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP).
Sinabi ni Sobremonte na matapos naman ang konsultasyon sa iba’t ibang sektor, pinag-aaralan na ng DOTr at LTFRB ang mga maaaring pagbabago sa nasabing programa. “Ur-urayen tayo ti baro nga policy nu kasanun to maibaga nga months or years para iti panagsukat ti modernized units
(Hinihintay natin ang bagong policy kung ilang months o years ang pagpapalit ng modernized units),” si Sobremonte.
Sa Cordillera ay nasa 84 na kooperatiba at 24 na korporasyon ang kabuuang bilang ng mga nag-consolidate batay sa listahan ng LTFRB. “Actually, ti CAR ti maysa nga rehiyon nga adda ti
sangkangatoan na iti consolidation percentage (Actually, ang CAR ang isa sa mga rehiyon na may mataas na consolidation percentage),” ani Sobremonte.
Sa mga PUJs sa rehiyon, mayroon ng 89.29% na consolidated para sa ruta at 92.53% na units. Ibig sabihin, mula sa kasalukuyang bilang ng mga otorisadong bilang ng jeepney units, nakapagconsolidate na ang 92.53%. Samantala, 96.30% na ang consolidated routes para sa mga
UV habang 84.88% sa mga UV units. As of October 2023 ay nasa 299 na ang modernized units na UV express at PUJ sa Cordillera.
(DEG-PIA CAR)
November 25, 2023
November 25, 2023
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024