Maagap at matalinong pagpaplano, kailangan ng lungsod

Nov 18, 2017

Muli ay nagulantang ang lungsod ng Baguio sa biglaang pagdagsa ng maraming bakasyunista matapos idiklera ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pasok sa buong Metro Manila mula Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 15 dahil sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa. Mahigit 60 porsiyento ng mga sasakyan ang naidagdag sa mga lansangan ng Baguio lalo na sa Central Business District.
Dahil dito ay muling nagkukumahog ang mga lokal na awtoridad dahil sa makailang ulit ay nabigla ang mga ito sa pagdagsa ng napakaraming sasakyan at bisita na lalong nagpasikip sa masikip nang trapiko sa lungsod. Tunay na nagbigay perwisyo ang sitwasyon sa maraming residente ng lungsod at dulot ng pangyayari ay napilitan si Mayor Mauricio Domogan na kanselahin ang pasok sa pre-school  hanggang high school noong Martes at Miyerkules, Nobyembre 14 -15, dahil nga sa malalang trapiko at walang masakyan ang mga mag-aaral, at kung mayroon man ay usad-pagong naman ang mga ito. Pati mga empleyado at trabahador ay napinsala ang kanilang trabaho.
Tila hindi na nga natuto ang mga awtoridad sa maagap na pagpaplano at paglalatag ng daglian at alternatibong solusyon sa mga ganitong hindi inaasahang sitwasyon (bagama’t may pauna ng pahayag ng pagsuspinde mula Malacañang). Kung maaalala ay ilang buwan pa bago ang ASEAN ay nagpalibot na ng mga pahayag at impormasyon ukol sa malaking aktibidad sa bansa na dapat ay nabigyan ito ng halaga at konsiderasyon dahil nga sa maaaring pagkansela ng mga pasok. Hindi na yata naisip ang salitang “anticipation”. Dalawang araw na walang pasok ang mga mag-aaral at baka nga nadagdagan pa ito dahil tinamad nang pumasok ang ilan, mga empleyadong hindi na nakapasok o nahuli sa mga trabaho na bawas sahod, mga tsuper ng taxi at jeepney na nadiskaril ang pasada at mga negosyong naperwisyo di man direkta ay naapektuhan din ang kita. Maliban pa sa tone-toneladang basurang naidagdag sa bunton ng problema sa lungsod – lahat ito ay dulot ng ganitong sitwasyon.
Masuwerte nga ang lungsod dahil pangunahing destinasyon ito tuwing may bakasyon at kung kita nga ang pag-uusapan ay nawa’y maging makatotohan, ang makikinabang naman ay ang lungsod. Mainam ang masigabong turismo subalit kung ang kapalit naman ay ang hindi pagpasok ng mga mag-aaral, ng mga empleyado at trabahador, lalong paglubha ng trapiko, pagdumi ng lungsod at ilan pang epekto rito ay mukhang hindi yata katanggap-tanggap ito.
Gaya ng isang supot na sa pagnanais nating mapuno at pilit punuin pa ay baka sumabog na ito at pumutok at huwag na sanang maulit na dahil lamang sa pagtanggap natin ng mga bisita ay magsakripisyo naman ang lokal na mamamayan lalo na ang mga mag-aaral . PMCJr.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest