MABUTI NG MABAGAL ANG IMBESTIGASYON KAYSA HILAW ANG RESULTA

May mga nakakapansin at pumupuna sa tila tumatagal na paglabas ng resulta ng imbestigasyong ginawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa nangyaring biglaang pagkasunog ng malaking bahagi ng Baguio Public Market noong Marso 11 ng taong kasalukuyan. Mahigit nang dalawang buwan ang nakalilipas ay wala pang liwanag man lamang ukol sa kaso ng sunog ang inilalabas ng lungsod at ng BFP. Hindi natin masisising umungol muli ang ilang mamamayan lalo na ang mga tumututol sa pagsasapribado ng nasabing palengke dahil sa kaduda-dudang biglang pagkakasunog ng palengke sa ginta ng umiiral na mainit na usapin ukol dito.

Bahit nga ba tumatagal ang paglalabas ng resulta ng imbestigasyon ng isang sunog kung ito ay isa ng kontrobersiyal o isang bagay na mainit na pinagtatalunan ng ilang partido? Bagit kung maliliit na sunog ay kaydali nilang ilabas ang resulta at sabihin ang karaniwang dahilan na ito ay sanhi ng isang “faulty electrical connection” o “naiwang nakasinding kandila o lutuan” o dili kaya’y “sumabog na LPG” at ilan pang maaaring sanhi. Kung ang hinala ay arson ang dahilan o kaya’y sinadya ang sunog – ito ay mahirap patunayan.

Ayon sa mga eksperto, ang isang simpleng imbestigasyon sa isang sunog ay magagawang mabilis at kaagad, ngunit ang malalaking imbestigasyon ay maaaring umabot pa ng mas matagal, minsan ay buwan pa ang lilipas. Ito ay depende raw sa laki ng sunog, bilang ng mga saksi at impormasyon, pagkawala ng buhay o pag-aari, o kahina-hinalang aktibidad na aayusin at susuriin upang matiyak ang sanhi . Subalit ang lahat ng imbestigasyon sa sunog ay sumusunod sa isang parehong proseso at isinasagawa sa pamamagitan ng isang siyentipikong proseso.

Ayon pa rin sa mga eksperto, mayroong anim na posibleng motibo para gawin ang isang arson, ito ay: kita o pakinabang; matinding pagkapoot; bandalismo; pagtatago ng krimen; pampulitikang layunin; at sikopatolohikal na kadahilanan. Ang pangunahing motibasyon para sa lahat ng marahas na mga krimen ay KAPANGYARIHAN. Ang “kapangyarihan” ay binigyan-kahulugan bilang ang kakayahan o kapasidad na gamitin ang control sa iba na kung iisipin natin, ang pagpapakawala ng
mapangwasal nag alit ng isang hindi makontrol nas unog ay isang napakalaking paggamit
ng kapangyarihan.

Isa sa pinakamalaking mga hadlang sa epektibong imbestigasyon ng arson ay ito ay isang teknikal na mahirap na krimen na tuklasin at lutasin. Bilang resulta, ang isang pangkaraniwang antas ng pagsasanay na ibinibigay sa mga pulis ay hindi laging sapat at akma para sa imbestigasyon ng mga krimeng arson. Isang posibleng solusyon marahil ay siguruhin na may malaking bahagi sa hanay ng kapulisan ang sumailalim sa pagsasanay para maging espesyalista sa imbestigasyon ng arson. Kasama ng pinahusay na pagsasanay, ang mga bagong istratehiya upang tumulong sa imbestigasyon ng arson ay dapat alamin.

Patuloy na paglilinang sa forensic sciences upang matukoy ang arson mula sa aksidente o natural na naganap na sunog ay maliwanag na ginagarantiyahan. Sa nangyaring sunog sa pamilihan ng Baguio noong Marso 11, ay naniniwala si Mayor Benjamin Magalong na malamang ang sanhi ay aksidente lamang at walang kaugnayan sa arson o faulty wiring. Baka daw may nanigarilyo o gumamit ng kandila ayon sa ulat ng ilang saksi sa lugar. Hindi daw nababahala ang Mayor sa tila mabagal na usad ng ginagawang imbestigasyon dahil isinasagawa ito ng may pag-iingat at may katiyakan.

Mabuti na raw yung nag-iingat kaysa maglabas ng konklusyon na hilaw pa ang mga ebidensiya at hintayin ang opisyal na resulta ng imbestigasyon ng BFP na nakabase sa ebidensiya at katotohanan.
Anuman ang pinal na resulta ng imbestigasyon ay maaaring katanggap-tanggap para sa iba
at itataas ng kilay naman ng iba. Subalit hindi na marahil mababago ito dahil sino ba naman
ang maaaring sumalungat sa mga resulta ng imbestigasyon ng mga eksperto sa BFP?

Amianan Balita Ngayon