Mag-asawa, isa pa huli sa drug bust

Nalambat ng pulisya ang isang mag-asawa at isa pang pinaghihinalaang drug carrier matapos ang isinagawang magkahiwalay na buy-bust illegal drug operations ng mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO) at Benguet Police Provincial Office (BPPO) sa siyudad.
Kinilala ni Senior Supt. Eliseo Tanding, city director, ang nadakip na si Spencer Monzon Cabuco, 45 at asawa nitong si Aileen Perales Cabuco, 39, kapuwa nakatira sa Saint Patrick Subdivision, Upper Irisan, Baguio City at Lionel Donio Lehmann, 30, IT graduate, freelance developer at nakatira sa Kitma Village, Bakakeng Central, Baguio City.
Sa report, ang mag-asawa ay nahuli dakong 1:35 ng hapon sa Manuel Roxas Street, Purok 1, Imelda Village, Baguio City, samantalang si Lehmann ay dakong ika-6 ng gabi sa Burnham-Legarda Barangay, Baguio City.
Nakuha kay Cabuco ang 8 heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, 1 Huawei black touch screen cellphone, 1 front plate number YAA 1713 para sa Mitsubishi L300 van, 1 maliit na asul at puting pouch, at P6,000 buy-bust money; samantalang kay Lehmann ay 6 heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, 1 Samsung duos colored black, 1 brown leather coin purse, at P6,000 buy-bust money.
Binati naman ni PROCOR Chief Supt Rolando Nana, regional director, ang mga tauhan ng DEU operatives sa kanilang pagkakahuli sa mga suspek at sa kanilang walang tigil na operasyon laban sa iligal na droga.
Zaldy Comanda/ABN

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon