MAG INANG TINULUNGAN NG MGA KAPULISAN

Life is beautiful para sa mag-inang tinulungan ng mga kapulisan na maiuwi ang daladala nilang mga yero na gagamitin sa pagsasaayos ng kanilang sirang bubong. Ayon sa Tanudan MPS, papalabas na sana ng kanilang himpilan sina PSSg Renato Adaol, PSSg Jay-r Mawi-it, PSSg Fronstone Liwaliw, at PCpl Julio
Dumalleg upang magpatrolya at mag-sagawa ng barangay visitation ng makita nila si lola Palwagi at ang kanyang anak na may dala-dalang mga yero.

At ng kanilang tanungin ay napag-alaman nila na ang nasabing yero ay gagamitin sa pag-aayos ng kanilang sirang bubongan upang hindi na pasukin ng tubig ang kanilang bahay tuwing uulan. Kanila ring napag-alaman na si lola at ang kanyang anak ay parehas na hindi na nakakakita. Kaya naman, bilang
pagkilala at pagsunod sa kultura ng “Binnadang” ng Cordillera ay nag-alok ang mga kapulisan na tulungan sina lola na buhatin ang dala nilang mga yero at ihatid sila sa kanilang bahay.

Hindi naman inalintana ng mga kapulisan ng Tanudan MPS ang limang (5) kilometrong lakaran maihatid lamang ang mga yero at sina lola Palwagi sa kanilang tahanan sa Sitio Bail, Brgy. Poblacion sa bayan ng
Tanudan, Kalinga. At ng makarating ay laking pasasalamat at ngiti naman ang ibinigay nila lola Palwagi at ng kanyang anak sa mga kapulisan sa tulong na kanilang ibinigay.

(PROCOR-PIO)

Pulis @ Ur Serbis

Amianan Balita Ngayon