MAGBABAGO BA ANG DESISYON NI PBBM SA POGO BAN KAUGNAY SA CAGAYAN EXPORT ZONE FREEPORT?

Nanindigan ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) na hindi ito sakop sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa tingin ni CEZA Administrator Katrina Ponce Enrile, ang mga licensees, kasama ang iGaming at interactive gaming support service providers ay iba sa mga PAGCOR-licensed POGOs. Bagamat nakikiisa umano ang CEZA sa POGO ban upang mapuksa ang kriminalidad na naiuugnay sa mga POGO hubs, iginigiit ni Enrile na kailanman ay hindi nagkaroon ng POGO sa CEZA.

Wala rin ni isang krimen gaya ng kidnapping, human trafficking, torture, scams at patayan na naiugnay sa mga licensees sa mahigit nitong 20 taong pamamahala sa mga ito sa Sta. Ana, Cagayan. Naitayo noong 1995 sa ilalim ng Republic Act No. 7922 na iniakda ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na sumasakop sa 54,000 ektarya. Binigyang kapangyarihang ang CEZAng mag-lisenya ng iba’t-ibang palaro, kanya’t naging kauna-unahan itong interactive gaming jurisdiction sa Asya. Nag-adopt ito ng master licensor model at ginawaran ng master license ang First Cagayan Leisure and Resort Corp. noong 2003.

Ayon sa CEZA, ang iGaming licensees ay mga dayuhang kumpanya kung saan ipinagbawal ang paglumikom ng taya mula sa loob ng bansa at iba pang bansang ipinagbabawal ang sugal, na kaiba sa mga POGO. Nang kumalat ang POGO na ipanukala ng PAGCOR noong 2013, naglipatan diumano ang mga licensees at interactive gaming support
service providers, dahilan ng pagbagsak sa 30 mula sa 300 interactive gaming support service providers and IG
licensees sa CEZA. Taas-noong ibinabanderang CEZA na maayos nitongpinamahalaan ang iGaming atinteractive gaming supportservice providers model nito,gaya ng pagcontrol sa workingvia issuance at pagpasok ngmga tao sa Cagayan SpecialEconomic Zone and Freeport.

Na-control ang bilang ng Pinoy at dayuhang empleyado, bukodpa sa pag prioritize sa mgaPinoy (70 prosyento) kumparasa dayuhan (30 porsyento)bilang mamamasukan.Kung ikukumpara,umalagwa at nabahiran ngnapakaraming dungis angPOGO sa ilalim ng PAGCORhanggat kamunhian ngsambayanang Pilipino.Malapit ang mga Enrile kay PBBM. Magbabago kaya ang posisyon ng Pangulo ukol sa POGO ban na una nang inuutosdin sa CEZA?

Amianan Balita Ngayon